Chapter 68 Dmitri Nikolai "BEATRICE! Hinahanap ka ng mga guests." Ang manager niya nakatayo sa may pinto ng sala ang tumawag sa kanya. Agad siyang lumingon at tumango. Pasimpleng inayos ang sarili . Hindi na niya ako tiningnan. Diretso lang siyang lumabas, mabilis ang mga hakbang, parang gustong makatakas. At hindi na siya lumingon pa. At iniwan ako rito—sa sala. Lugmok na lugmok at wasak na wasak. Puno ng bigat ang dibdib at pagsisisi. Halos hindi ako makahinga. Fuck! Pinikit ko ang mga mata ko, pinilit kong pigilan ang nanginginig kong dibdib. Ilang segundo lang, lumapit sa akin si Don Franco at tinapik ako sa balikat. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Halos pinipigilan ang sarili ko sa paghagulhol muli. "Ipakita mo kung gaano ka nagsisisi," mahinahon pero matal

