Chapter 57 Third Person POV HINDI mapakali si Trice. Palakad–lakad siya sa loob ng sala, parang may hinahanap pero wala naman. Hawak–hawak niya ang cellphone niya pero ilang ulit na niya itong pinapatay at binubuksan, tila umaasang mawawala ang kaba sa dibdib niya. "Babe..." mahinang sambit ni Brent mula sa sofa. Nakatingin ito sa kanya, pero halatang nahihilo na sa paulit–ulit na pag-ikot ni Trice. "Sit down, please. You're making me dizzy." Hindi siya sumagot. Huminto lang siya saglit, tumingin sandali kay Brent. Bumuntong–hininga siya at muling naglakad, parang may buhol sa sikmura niya na hindi niya maalis–alis. Lumapit na si Brent. Hinawakan siya sa mga balikat at dahan–dahang pinaupo. "Talk to me. Ano ba talaga ang iniisip mo?" Napakagat si Trice sa labi. Nilingon niya si Brent

