5 years later Nanay! Nanay ni- away ako 'dun nanay!! Nag kandahaba-haba ang nguso nang batang lalake habang niyuyugyog ang inang naghahalo ng kakaning niluluto. Kieanne anak come to Tito. Pero Tito 'ni away ako 'dun ehh! Sabay turo sa gawi ng mga batang nag kukumpulan sa kaharap na tindahan. Tagal tagal naman kasi 'muwi ni Tatay! Nakangusong maktol nito at nanubig ang kulay abo nitong chinitong mga mata. Bakit mo pa hahanapin si Tatay kung nandito naman kami nila Tito Ulap at Tita Ulan mo. Nand'yan din si Nanay Tata at ang Lola mo. Pinahid ng binata ang luha nito na ngayo'y humihikbi na.. Tahan na baby, marami naman kaming nag mamahal sayo. Pero 'ni away ako 'dun! Wala daw akong Tatay! Anak daw ako ng alien Tito. Sinisinok na ito at namumula ang pisngi at ilong. Sinong nagsabi

