NAIDA POV
Pagkabalik namin sa bahay ni Jonald ay nandoon naghihintay si Love ang ex daw ni Jonald, halos patayin na ako kung makatingin sa akin si Love
"Bakit ba kasi pinuntahan mo pa sya Jonald! Anak lang naman sya ng katulong mo!" pinaakyat na ako ni Jonald sa kwarto ko na syang ginawa ko agad dahil ayokong makaharap ang babae na iyon at baka kung ano pa ang magawa ko.
Ang kapal kasi ng mukha! Ex na nga sya akala mo girlfriend parin kung makaasta samantalang ako etong asawa kung tutuusin. Kung pwede ko lang isampal sa pagmumukha nya ang totoo. Ano kayang magiging reaksyon nya kapag nalaman nya ang totoo?
"Love stop that" hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi ni Jonald dahil tuluyan na akong nakaakyat at hinayaan na nga sila don sa baba
Napapangiti nalang ako dahil okay na kami ni Jonald. Hindi ko na sya kailangang iwasan. Pero may problema nga lang iyon ay si Love. Ano ba kasi ang ginagawa ng babaeng yan dito? Hindi ko man alam kung anong nangyari at nakaraan nilang dalawa pero sa tingin ko ay nasaktan ng grabe si Jonald dahil hindi pa nya alam kung handa na ba sya magmahal ulit. Ano kaya ang ginawa ni Love noon sa kanya at ganun nalang ang nararamdaman ni Jonald ngayon?
*sigh
Hindi ko tuloy maiwasang isipin paano nalang kung mahal pa nga ni Jonald iyang si Love? Kung may nararamdaman pa sya dito? Paano na ako? Ipagpapatuloy ko pa ba ito? Pero nakapagdisisyon na ako eh, at handa akong sumugal.
matalo manalo ay bahala na.
"THIS IS MY ROOM!" nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan at niluwa don si Love na kusot kusot ang mukha, nakasunod naman sa likod nya si Jonald na nag mouth ng 'IM SORRY' sa akin na walang tunog
"ANG KAPAL DIN NG PAGMUMUKHA MO ANO! NAKIKITIRA KAPA TALAGA DITO! AT NANDITO KAPA SA MAGANDANG KWARTO!" sigaw sa akin nung Love at napamewang pa
"Love there are many rooms in this house--" hindi pa tapos ang sinasabi ni Jonald ng magsalita ulit si Love
"SHES JUST A MAID JONALD! WHY ARE YOU TREATING HER A GUEST?!" sigaw na sabi ni Love
"o-okay lang ho Jo--este s-sir Jonald" sabi ko para matapos na ang pagwawala ng babaeng to. Kinuha ko na ang mga gamit ko at sinamahan pa nga ako nito sa maliit na kwarto dito sa baba
"Thats your place!" sabi pa nito na para bang nagwagi pa dahil kung makangiti ay wagas
"and babe etong babaeng to nalang ang gusto kong maid dito sa bahay total dito naman sya nakatira, ilipat mo nalang sila Aling Tes sa iba" narinig kong sabi ni Love habang hinihila nya si Jonald palabas ng kwarto ko
napabuntong hininga naman ako, binuksan ko ng kaunti ang pintuan ng kwarto atsaka nakita ko silang nagtatalo
"What are you Love! Why are you acting like that?!" hindi makapaniwalang narinig kong sabi ni Jonald
"PAPASAHURAN MO NAMAN SYA! BAKIT KA DIN BA GANYAN JONALD!? AYOKONG ISIPIN NA BABAE MO SYA KAYA MO SYA BINABAHAY AT DITO PA TALAGA SA BAHAY NATIN!" napailing iling nalang ako sa nakikita kaya sinarado ko na lang ang pintuan
Ganun klaseng babae ba ang minahal ni Jonald? masyadong mataas ang tingin sa sarili at ang malala ay matapobre pa. Bakit kaya ganun? Bakit ganun ang mga mayayaman? Tingin sa sarili nila gold.
*sigh
Pagkatapos kong maayos ang mga gamit ko ay pinagpapawisan na ako dahil walang aircon sa kwartong ito. Naka electric fan lang ako at sobrang liit ng kwarto ko, wala pang sariling cr kaya kailangan ko pang lumabas kung kakailanganin ko.
"HOY!" naalimpungatan ako ng may biglang sumisipa sa akin
"Hmmmm" antok pa ako kaya nakapikit parin ako pero habang tumatagal ay lumalakas ang pagsipa sa akin
"ARAY ANO BA!" napabangon ako sa inis dahil ang sakit talaga ng pagsipa sa akin
"ABA HOY WAG KANG FEELING DONYA DITO HA!" at nakatanggap pa nga ako ng batok sa babaeng may sira ang ulo, kinuha ko ang cellphone ko at alas kwatro palang ng umaga
"bakit ho ba? ano po ba ang kailangan nyo madam?" inis ko paring sabi dahil nanggigising ang isang to at isa pa ang aga aga pa
nakausap ko pa kasi si Jonald kagabi tru video call at sinabi nya sa akin na dito na sya matutulog dahil baka kung ano pang gawin ni Love sa akin
"Diba katulong ka?! Thats why you need to wake up early to do your job!" inis at medyo mataas nitong sabi
napabuntong hininga nalang ako at lumabas nalang ng kwarto kasabay nitong ni Love
"Ipagtimpla mo ako ng kape and i want toasted bread" utos nya atsaka nag cellphone
sinunod ko nalang ang utos nya para wala ng ingay
"Ano pa bang tinatayo tayo mo dyan! do your job! maglinis ka ng bahay!" ilang sandali pa nga ng maibigay ko sa kanya ang inuutos nya ay nag utos ulit sya
wala na nga akong nagawa kundi maglinis ng bahay at pagod na pagod na ako mga alas sais narin ng magising si Jonald
"Hey why are you sweating?" agad naman itong lumapit sa akin ng makita ang itsura ko habang naglilinis buti nalang ay wala ngayon si Love at nag jogging sa labas
"wala Jonald naglilinis lang" hindi ko nalang sinabi sa kanya para wala ng gulo dahil baka pagsabihan naman ako ni Love ma sumbongera
"You look tired come on lets have a breakfast" hindi na ako nakaangal ng hilahin ako ni Jonald
nagluto na nga sya ng pang agahan namin
"what are your plans to the upcoming contest?" tanong nito sa akin ng matapos syang makapagluto at magkaharap kami sa lamesa at nagsimula na ngang kumain
saglit na nawala sa aking isipan ang competition para sa mga muse at escort ng course namin
"what talent will you do?" dugtong na tanong nito
Ang dami ko pa palang gagawin, wala pa nga akong susuotin para sa paligsahan na iyon. Para sa evening gown, swimsuit lalong lalo na wala pa akong naiisip na talent
"hindi ko pa alam siguro kausapin ko nalang si Von kung anong plano nya" simpleng sagot ko sa tanong ni Jonald
first time ko din kasi sumali sa mga ganito at wala pa akong ka ide-idea kung ano ba ang mga gagawin, syempre kasi iba ang gagawin mo talaga kesa sa mga napapanuod ko lang sa tv.
"whos Von?" nakita kong napakunot ang noo ni Jonald
"Ah kaibigan namin, 3rd year college na sya at magiging piloto" sabi ko sa kanya habang kumakain
"kilala mo sya, sya iyong lalaking nakasayawan ko sa party" dugtong ko
Para bang nawala sa isip ko bigla si Love ngayon at para bang nawala ang pagod at inis ko dahil kay Love
"Do you like him?" napaubo ako sa tanong na iyon ni Jonald
"Ano ka ba Jonald kaibigan ko sya" natatawa kong sabi sa kanya
akala ko tuloy tuloy na ang kasiyahan ko na tahimik at kasama si Jonald ng biglang dumating si Love
"I KNEW IT!" napatayo ako sa gulat ng biglang malakas na sumigaw si Love
"umupo ka Naida" napatitig ako kay Jonald ng kalmado lang sya at hindi apektado kay Love
"WHAT? ARE YOU GOING TO ADMIT THAT SHE IS YOUR BEDWARMER!"
hay nako ayan nanaman sya at nag iiskandalo. Mula ng dumating iyang babae na yan dito ang gulo at ang ingay na ng bahay
"STOP IT LOVE PLEASE!" nagitla din ako ng biglang sumigaw din si Jonald nakita ko din kay Love na nagulat sya sa inasal ni Jonald sa kanya
"I want quiet in this house Love and if you can't do that, we'll just leave" inis na sabi ni Jonald at hinila ako paalis
"come on Naida we have classes to attend" dugtong nito kaya hindi na ako umimik pa dahil ayoko na ng dagdag pa sa gulo nilang dalawa