CHAPTER 17

1514 Words
VON POV Habang hinihintay ko si Naida ay pinuntahan ko si Jonah sa tambayan nito at hindi nga ako nagkamali ng makita ko sya "Hey anong ginagawa mo dito" ngumiti sya ng makita nya ako Kailangan ko tong gawin dahil kilala kong bully si Jonah sa mga babaeng nagkakagusto sa akin. Ano pa kaya sa babaeng nililigawan ko at ayokong saktan nya si Naida, doon palang sa canteen kanina alam ko na iyon na ang simula nya para guluhin si Naida. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kapag nalaman kong sinaktan nya ang babaeng mahal ko. Yes, mahal ko si Naida crazy as it may dahil matanda sya sakin ng ilang taon at bagong kilala ko palang si Naida pero mahal ko na sya. Hindi ako nagbibiro at hinding hindi ko sya lolokohin. Naisip ko na din ang sinabi nya na may asawa na sya pero hindi ako maniniwala hanggat hindi nya pinapaharap sa akin ang asawa nya. Pero kahit na may asawa sya wala akong pakialam dahil may kasabihan tayo 'Ang asawa nga naaagaw' "Nandito ako para pagsabihan ka na huwag na huwag mong haharassin or sasaktan si Naida" nagulat naman sya sa sinabi ko sa kanya kaya napakunot ang noo nya "Von wag kang magbulagbulagan dyan sa babae na yan!" sinubukan nya akong hawakan pero lumayo agad ako sa kanya "hinayaan kita na kung sino sinong babae ang inaaway mo Jonah pero iba si Naida ngayon" sabi ko sa kanya na syang ikinailing nya "Why cant you just love me Von!" pagmamakaawa nito sa akin naawa na ako kay Jonah dahil kababata ko sya pero hindi ko sya gusto. Kababata ko sya pero hindi kami close. Nagkitat nagkakilala kami noon nung mga bata palang kami dahil mag business partner ang mga parents namin "Sorry Jonah hinding hindi kita mamahalin" alam ko naman na masasaktan sya sa sinabi ko pero dapat alam na nya iyon. Ilang taon na syang ganyan sa akin, naghahabol sa akin. "GOLD DIGGER ANG BABAENG YAN! PATI SI KUYA JONALD NILALANDI NYA!" nagulat ako hindi dahil sa sigaw ni Jonah kundi dahil sa sinabi nya pinakatitigan ko ng mabuti ang mga litratong nasa cellphone nya, kinuha ko ito at sinend sa account ko para makita ko mamaya. Pero hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko. Sya ba ang asawa ni Naida? Si Jonald? Napapaisip ako nitong mga nakaraang araw na napapansin ko, ang simpleng tinginan nila sa isat isa, nung absent si Naida ay si Jonald ang sumalo sa kanya "Why?" naglalakad na ako palayo at iniisip ko parin kung bakit Bakit nila tinatago? Totoo ba ang nasa picture? Eto na nga ba ang sign para itigil ko na to at paniwalaan ang sinasabi ni Naida na may asawa na sya? Pero susuko na ba talaga ako? Hindi ko ba ipaglalaban? "okay ka lang ba?" bumalik ako kung saan ko hinihintay si Naida tiningnan ko sya maging ang kamay nya kung suot ba nito ang singsing na halos palagi nga nyang suot hanggang sa makita ko ito "Von" bumalik ako sa reyalidad ng may kalakasan ang sigaw ni Naida sa akin kaya nginitian ko sya "tara hatid na kita sainyo" sabi ko at hinawakan ang kamay nya siguro nagtataka na sya sa mga kinikilos ko hanggang sa mahatid ko sya hanggang sa harap ng bahay niya kung saan sya nakatira "Dito nalang Von" hindi naman alam no Naida kung bababa ba sya ng sasakyan dahil nasa labas si Jonald na para bang may hinihintay "Asawa mo ba si sir Jonald?" diretsang tanong ko sa kanya bago pa sya makababa ng sasakyan, para naman syang nanigas sa biglang tanong ko sa kanya "H-ha...?" hindi naman sya makatingin sa akin ng diretso "tell me Naida is he really your husband?" ulit na tanong ko, tila naman nagkaroon ng lakas ng loob si Naida na sagutin ang tanong ko sa kanya "h-hindi..Hindi Von" sagot nya kaya para bang natanggal ang bigat ng dibdib ko "Bakit kayo nakatira sa iisang bahay?" tanong ko pa, nagpapaling linga naman sya na para bang may hinahanap "Dahil personal assistant ako ni maam Love" sabi naman nya at nakita ko nga na lumabas ng bahay si Love napabuntong hininga ako. 'Totoo ba ang sinasabi mo Naida?' hindi ko maiwasang pagdudahan siya dahil gusto kong makasigurado. Para ko na kasing kuya si Jonald at ayoko sya ang magiging kalaban ko sa puso ni Naida. Parang hindi ko magagawang kalabanin sya kung totoo ngang mag asawa sila. NAIDA POV Hindi ko alam kung anong nakain ni Von dahil nag iba ang kinikilos nya na para bang may sinisigurado sya at may nalaman sya. Nasa MU palang kami ay iba na ang pakikitungo nya sa akin na para bang ibang Von ang kaharap ko, hanggang sa makarating kami dito sa labas ng village at bababa na sana ako ng sasakyan pero pinigilan nya ako "hatid na kita hanggang sa loob kesa sa maglakad kapa" seryoso nyang sabi na para bang desisdido na sya "h-hindi na Von ako na malapit lang naman eh" sabi ko pero nagpumilit sya kaya kabadong kabado ako habang nasa daan kami napakaseryoso pa naman ngayon ni Von at hindi ko mawari kung may nagawa ba ako sa kanya o may nalaman sya dahil parang may gustong kumpirmahin si Von lalong lalo na nung itanong nya sa akin ang isang tanong na hindi ko aakalain na itatanong nya agad. Bakit ang bilis? Paano nya nalaman? "Asawa mo ba si sir Jonald?" hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga oras na iyon. Nasa labas pati ng bahay si Jonald na para bang may hinihintay, panay nga nya tingin dito sa sasakyan ni Von sobrang bilis ng t***k ng puso ko hindi alam kung anong gagawin "tell me Naida is he really your husband?" ulit nya pang tanong sa akin Sino nagsabi sa kanya? Si Jonah ba? Alam narin kaya ni Jonah? Hindi pwede to, ang usapan namin ni Jonald ay itago namin. Oo okay na kami ni Jonald pero hindi pa namin napag uusapan kung itutuloy ba namin na itago ang kasal namin at kung tuloy parin ang pagdivorced namin *sigh bumaba ako ng sasakyan sumunod naman agad si Von sa akin "Nandito kana pala Naida me and Jonald are eating out tonight kaya ikaw na bahala sa bahay" sabi agad ni Love ng makita ako napangiti naman sya ng makita nya si Von sa tabi "Von Arcus is that you?" masaya naman nilang binati ang isat isa "Yes ate Love nakabalik kana pala" sabi naman ni Von "nagkabalikan kayo ni kuya Jonald?" tanong pa ni Von napaiwas ako ng tingin ng humawak sa braso ni Jonald si Love "Hindi pa ngayon dahil kakaayos palang namin ni babe you know why" nakangiting sabi ni Love "Bakit kayo magkasama?" dugtong na tanong nito sa mga oras na ito ay bumalik ang Von na kilala ko, nawala ang itim na aura na kanina ay pumapaligid sa kanya dahil nakangiti na ito "Im courting Naida ate Love, kuya Jonald okay lang ba?" napakagat ako sa labi ko sa tanong na iyon ni Von hindi ako makatingin kay Jonald kahit na alam ko naman na pinag usapan na namin to "Why are you asking me that Von?" seryosong tanong ni Jonald "Dahil dito si Naida nakatira kaya palagi na tayo magkikita or you can stay with me Naida" napalunok ako sa sinabi ni Von, nakangiting nakatingin na sya sa akin "you can still do your duties being ate Love PA while living with me" pasimple kong tinapik si Von sa braso nya narinig ko namang pumalakpak si Love "my PA?" nakangisi nitong sabi na alam kong hindi napansin ni Von "its okay with me Von" pagsang ayon naman nito "shes fine staying with us Von" seryosong sabi ni Jonald saka pumasok na sa sasakyan "Von you know Jonald naman diba so enjoy kayo coz we have a date tonight" nakangiting sabi naman ni Love saka sumakay na din ng sasakyan naiwan kami ni Von dito "P-Pasok ka muna?" aya ko naman kay Von pero tumanggi naman agad sya "sorry sa inakto ko kanina" nakangiti na ngayon sa akin so Von saka nya ginulo ang buhok ko "Okay lang pasensya na din hindi ko sinabi na kasama ko sa iisang bubong si sir Jonald" sabi ko dito "Oo nga pala magkakilala kayo?" naalala ko dahil para bang matagal na silang magkakilala lalo na si Love "business partners ang mga parents namin kaya palagi ako sa kanila noon" napatango naman ako sa sinabi nya Kaya pala "I go na Naida goodluck satin bukas" sabi ni Von, tinap nya muna ang buhok ko bago umalis kaya napabuntong hininga ako. Nang hindi na matanaw ng mga mata ko ang sasakyan ni Von ay pumasok na ako sa loob 'we talk later' hindi ko pala napansin ang chat ni Jonald sa akin Hindi parin kasi ako sanay sa paggamit ng cellphone pero aminado akong malaking tulong nito sa akin dahil nakakasave ng mga files, sa pagkuha ng mga litrato at pagdating nga sa communication Nakakausap ko din si Twinkle kahit na hindi kami magkasama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD