NAIDA POV
Kakatapos lang ng aking shift sa trabaho ng makakita ako ng dalawang pamilyar na mukha kaya hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa gulat at takot, sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan ng sinundan habang namamasyal sila dito sa mall
"Ano anak nagustuhan mo ba yang laruan mo?" masayang tanong ni tito Jack sa anak nya na si Twinkle, kung hindi ako nagkakamali ay 6 years old na iyang si Twinkle.
napatakip naman ako ng aking bibig pinipigilang umiyak maging ang emosyon ko dahil bumabalik nanaman ang sakit na nararamdaman ko. Naaawa ako kay Twinkle, napakabata pa nya para mawalan ng isang ina at kapatid. Nang dahil samin! Sa napakabatang edad nya ay naranasan na nya ang mawalan ng magulang at kapatid! Hindi ko pa sila kayang harapin kaya hindi ko pa sila pinupuntahan pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana at sila na mismo ang nagpakita sa akin. Napatingin naman ako kay Tito Jack dahil alam ko naman na galit na galit sya sa akin/sa amin
Napatago ako ng minsang napatingin sa gawi ko si Tito Jack, siguro dahil naramdaman nyang may nakamasid sa kanila.
"Ang ganda po papa"
napakagat ako sa labi ko ng marinig kong magsalita si Twinkle, na para bang wala syang naranasan na mapait. Siguro kung hindi ako pag aaralin ni tita ay hindi mawawalan ng nanay at kapatid si Twinkle.
Naaawa ako sa bata. Sinisisi ko ang sarili ko kahit na alam ko namang hindi namin ginusto ang nangyari! Dahil kahit ako ay nawalan! Namatayan!
Sinundan ko sila hanggang sa makauwi sila sa tinitirhan nila.
"Miss?" hindi ko alam kung ilang oras na ako nakatayo dito sa harap ng bahay nila Tito Jack ng makita ko mismo sa harap ko si Tito Jack, nakangiti sya pero halata ang lungkot at pagod sa mga mata nya
Bigla akong nataranta pero hindi ko pinahalata, ni hindi ko man lang napansin ang paglapit ni tito Jack sa akin
"P-po?" hindi ako makatingin sa kanya ng diretso
"napansin ko kasing kanina kapa nandyan, may kailangan ka ba?" maamong tanong sakin ni Tito Jack
'Hindi mo ba ako namumukaan tito Jack?' gusto kong itanong sa kanya pero natatakot ako. Baka kapag makilala nya ako ay kamuhian nya ako
"Ah..eh..." nagpalinga linga ako ng makita ko ang isang poster
napakamot ako sa batok ko "hiring po ba kayo?" tanong ko dito at pinilit ang sarili na huwag mailang
'WALA KANG KASALANAN NAIDA! HINDI MO GINUSTO ANG NANGYARI!' paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko
"Mag aapply ka ba ng yaya?" nakangiting tanong nito at agad akong niyaya sa loob ng bahay nila "Halika tamang tama naghahanap ako ng yaya para sa anak ko" sabi nya habang naglalakad kami papasok ng bahay nya
napabuntong hininga ako
"Ayan ang anak ko na si Twinkle" sabi nito ng makita namin si Twinkle na naglalaro ng kanyang laruan
"Di bale ang trabaho mo ay alagaan ang anak ko at maglinis dito sa bahay, sa gabi naman ang uwi ko, nahihirapan kasi ako pagsabayin ang trabaho at pag alaga sa anak ko" dugtong pa ni tito Jack
Agad ko din namang nakita ang picture ni Tita Helen at si Rain na panganay na anak nila tita at tito na ngayon nga ay patay na
"In two weeks po kasi ay mag aaral na po ako" alanganin na sabi ko sabay napayuko
"Ahh ganun ba" para bang nanghihihinayang na sabi ni tito "Pero sige okay lang at baka may mahanap ako na iba sa susunod na linggo pero ngayon may karanasan kana ba sa pagbantay ng bata?"
napatango ako sa tanong ni tito at palihim na nalungkot. Yung bunso kong kapatid na nasama sa isang madilim na trahedya
"meron ho yung kapatid ko" sabi ko
"o sya sige bukas makapagsimula kana. Okay lang ba sayo alas nuebe ng umaga hanggang alas sais ng hapon ang trabaho?" ngumiti ako at tumango
"walang problema po"
napag usapan na din naman namin ang sahod ko at ang iba pa na gagawin ko. Pinakilala din ako kay Twinkle at pansin ko na mabait na bata itong pinsan ko. Si Tita Helen at ang mama ko ay magkapatid, silang dalawa lang ang magkapatid at si tita Helen ay medyo nakakaangat sa buhay dahil nakapag asawa ng may kaya
Wala namang kaso sa akin kung ipagpapalit ko ang trabaho ko dito
"mawalang galang na po, pwede ko bang matanong kung anong nangyari sa asawa nyo?" tinatantya ko kung pwede ko ba ito tanungin
Napakapait ang nangyari sa amin at kailangan ko na itong harapin at tanggapin
"namatay ang asawa ko last year kasama ang panganay namin na anak sa isang aksidente" makungkot na sabi ni tito Jack
nandito na kami sa sala at umiinom ng juice
"a-aksidente po?" tanong ko
"Oo may nangtrip sa asawat anak ko kasama ang pamilya ng kapatid nya"
"nahuli naman po ang may gawa nun?" tanong ko pa
dahil maging ako ay hindi ko alam. At iyon ang kailangan kong malaman.
"Hindi, dahil walang ebidensya at walang nakakilala sa kanila" napayuko ako at napabuntong hininga
"sorry po ah---" hindi pa tapos ang sasabihin ko ng magsalita si tito Jack
"Ano ka ba bat ka nag sosorry, pero eto kami okay okay na, wala naman na kaming magagawa eh" at tumayo si tito Jack kaya tumayo narin ako
napatingin ako sa orasan at nataranta
"Sige ho, bukas nalang po. Uuwi na ho ako" paalam ko dahil baka wala na akong masakyan dahil ala syete narin, masyadong napahaba ang usapan namin ni Tito Jack
"Sige iha ingat ka" lumabas na ako at naglakad palabas ng subdivision habang wala pang dumadaan na sasakyan
"where are you"
habang naglalakad ay napatingin ako sa cellphone ko na bihira ko lang gamitin at laking gulat ko ng makita ang text message ni Jonald maging ang ilang missed call nito
riiing riiinngg
"hello"
agad kong sinagot ang tawag ni Jonald dahil baka nag aalala na ang isang iyon
"thank god you answer my call! Where the hell are you Naida!" rinig ko ang medyo galit na boses ni Jonald sa kabilang linya
"Teka ha kalma ka lang" pagbibiro ko pa at ngumiti ng peke kahit na kinakabahan ako dahil galit nga sya
"breathe in, breathe out" pagbibiro ko pa
"Tsk" humagalpak na ako ng tawa ng marinig ang kasungitan nya sa kabilang linya
"lets video call" napatameme ako ng seryoso parin sya saka pinatay ang tawag
ilang sandali pa nga lang ay tumawag sya ng may video nga hanggang sa makarating sya sa kung nasaan ako
"Uy sorry na" nandito na kami sa sasakyan at kasama ko na nga si Jonald pauwi, natatawa lang ako dahil ngayon ko lang syang nakita na ganito dahil hindi naman sya ganito sa akin. Ang bait bait nga nya
"You made me worry Naida!" seryoso at madiin nyang sabi na hindi nakatingin sa akin
napa pout naman ako
"Sorry na kasi" malungkot kong sabi
kasi ang arte naman pala ng lalaking to, kanina pa nga ako nag sosorry dito eh.
"You have a phone for god sake and yet you didnt even text or call me!" galit parin nga sya
"you dont know this place yet Naida dont go anywhere without telling me!" dugtong nya
tinalikuran ko nga sya at hindi na pinansin. Alam ko naman na kasalanan ko pero kasi kanina pa ako nag sosorry tapos ayaw nyang tanggapin! kung ano ano pa sinasabi nya! Hindi naman na ako bata. Napansin ko naman na natahimik sya
"Hey" hindi sya makatiis ng hindi ko na sya pinapansin kaya palihim akong napapangiti
"Have you eaten?" malumanay nyang tanong sa akin kaya hinarap ko ulit sya
"Hindi kana grumpy dyan?" tanong ko sa kanya
"Grumpy?"
"Ikaw!" sabi ko sa kanya
"Tsk!"
"Yan ganyan ka! kanina pa nga nag sosorry ang tao dito tapos ayaw mo pang tanggapin! kung ano ano pa sinasabi mo atsaka isa pa hindi na po ako bata!" mahabang sabi ko sa kanya
"Im just worried okay" dahilan nya
"kaya nga nag sosorry na diba, atsaka may ginawa lang ako" paliwanag ko sa kanya
"Okay let's stop this argument" pagsuko nya at napabuntong hininga
Habang nasa byahe ay biglang tumunog ng malakas ang tyan ko kaya dali dali syang lumiko sa drive thru ng Jollibee at nag order ng pagkain
"Ano ba yan ang dami naman nito" sabi ko sa kanya ng makuha lahat ng inorder nya at habang nasa byahe ay pumapapak na ako ng burger at syempre sinusubuan ko din sya pagkatapos kong ayusin iyong mga pinamili nyang pagkain
tumigil kami sa isang park at doon kumain, ayoko namang sirain ang napakagandang view at tila ba napakaromantiko na ambiance na nararamdaman ko ngayon at alam ko nararamdaman din iyon ni Jonald pero kailangan nya malaman ang nangyari kanina
"tell me Naida what is it?" simpleng tanong nya sa akin at nahalata nga nya na may gusto akong sabihin sa kanya
"eh ano kasi" ayoko kasing maglihim sa kanya
matyaga naman syang naghihintay sa mga sasabihin ko sa kanya kaya sinabi ko na nga
"Nakita ko ang asawa ng kapatid ni mama, maging ang pinsan ko kaya sinundan ko sila" at heto nanaman ang pakiramdam na masakit at malungkot subalit kwinento ko parin kay Jonald ang nangyari
"why he didnt recognize you?" tanong ni Jonald na tinutukoy ay ang tito ko
Sinabi ko naman sa kanya ang posibleng sagot "Bihira lang kasi sya magbisita sa amin dahil napaka workaholic nyan ni Tito at bata pa ako nun ng huli nya akong makita" napatango tango naman sya sa sinabi ko
"Im here Naida" sa simpleng salita na iyon ni Jonald ay napanatag ako na para bang nagkaroon ako ng kasangga, kakampi. At ngayon na tadhana na ang lumalapit samin sa natitira kong kamag anak ay hindi ko na to palalagpasin pa.
Sila nalang ang pamilya ko. Sa side kasi ni papa ay hindi ko sila kilala at hindi rin naman nagkekwento sila mama at papa tungkol sa kanila kaya hinayaan nalang namin.