LUDIAN'S POV. Mabilis ang ginawa kong pagmamaneho ng mareceive ko ang last text ni Clyde na nakarating na sya sa location nila Kia kung san siya dinala ni Hannah Ilang minuto pa ang lumipas at natanaw ko na siya sa di kalayuan. Nang maihinto ko ang sasakayan ay dali dali akong bumaba at nilapitan si Clyde. "Any updates?" bungad nitong tanong sakin. "Sinend ko na sa mga pulis ang location, on the way na sila...Sure ka ba talaga na andito sila?" tanong ko kay Clyde. "Yeah, si Hannah mismo ang nagsabi sakin " sagot ni Clyde "Di ka ba nagtataka kung bakit ganon nalang nya kadaling sinabi sayo kung san nya dinala si Kia?" taka kong tanong sakaniya. "Yan rin ang nasa isip ko.. kaya mas magandang maging maagap tayo. Ilang beses ko ng tinawagan si Cai pero hindi niya sinasagot " inis na

