ILANG ARAW ang lumipas simula ng makauwi ako kay Dad, naging maayos na ako dahil araw araw akong binibisita ng family doctor namin. Hindi pa rin kami tuluyang nakakampante dahil alam naming nasa paligid lang si Hannah, sabay naman kami ni Clyde na dinadalaw si Ludian sa hospital kung saan siya nakaadmit. Si Cai naman ay pinacremate nalang ni Clyde dahil ilang araw ang lumipas bago nakuha sa ang katawan niya. Ganoon rin ang ginawa ko sa anak ko na nilibing nila Manang Tonya sa likod bahay nila, pinakuha ko iyon at crinemate. Nagbigay rin kami ng pasasalamat sa pamilya ni Manang Tonya pati na kila Kuya Lito at Kuya Relos, si Kuya Baldo naman ay himalang nakaligtas sa lalim ng pagkakasaksak ni Hannah sa leeg nito. Hindi namroblema sila Manang Tonya sa bills at gastusin sa hospital dahil

