CYDE'S POV. Nagising ako sa hindi magandang panaginip, doon ko lang napagtanto na nakaidlip pala ako. Inopen ko ang phone ko to check kung anong oras na, pero 6 missed calls from Kia ang bumungad sakin... Nakaramdam ako bigla ng kaba.. I try to call her pero nakapatay ang phone niya, kaya naman si Rio na ang sunod kong tinawagan. Nakailang dial na ako pero ring lang ng ring ang phone niya, kaya nag decide na akong pumunta sa safe house. Mabilis ang ginawa kong pagmamaneho, habang nagmamaneho ay hindi parin ako tumitigil sa pagtawag kay Rio. tangina! sagutin mo na! Hindi ko na alintana ang mga nakakasalubong at nakakasabay kong ibang sasakyan, basta ang gusto ko lang ay makarating sa safe house... I tried to call Rio again, and finally he answered my call. "f**k! bat ngayon mo

