KIANNA'S POV. Malalim na ang gabi kaya naman nagpasya kami ni Clyde na matutulog na pero nabulabog kami sa sunod sunod na hampas sa gate ng bahay ni Clyde. “ILABAS MO ANG ASAWA KO CLYDE! SINASABI KO SAYO!" nakatinginan kaming dalawa ni Clyde, mukhang sinabi ni Hannah kung nasaan ako. "Stay here, i will talk to him." ani Clyde sakin tsaka na lumabas ng pinto. Nakatingin lang ako sa gawi nila, mukha namang maayos ang usapan nila hanggang sa magawi ang tingin niya sakin, doon niya na tinulak si Clyde at pasugod na sakin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang papalapit siya sakin, halata mo sa mukha niya ang galit. Nang makalapit siya sakin ay agad niyang sinakmal ang kamay ko tsaka sinubukang hilain sa labas pero hinawakan ni Clyde ang isa ko pang kamay. "Let go of her ha

