Nagising ako sa ingay ng doorbell ko, pasuray suray akong nalakad patungo sa pinto. Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog... basta ang alam ko lang may tumawag kay Ludian tapos umalis na siya. Teka-- si Clyde???! Dali dali kong binuksan ang pinto, at bumungad sakin ang mapungay na mata ni Clyde. "Ayos ka lang ba?" tanong nya sakin. Madilim pa naman sa labas, kung ganon... Anong oras pa lang? Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan, maya maya ay niyakap niya ako. "Nakasalubong ko sa parking lot si Rio, hindi ko alam kung napansin niya ba ako... Kanina pa ako dito sa labas... hindi ko na alam kung ano ano na pumasok sa isip ko dahil hindi ka lumalabas... akala ko napano ka na--" I hug him. I hug him para di na siya mag isip pa ng kung ano ano.. "Sorry, naka

