ILANG LINGGO ang lumipas at walang nagbago sa sitwasyon namin sa loob ng bahay. Tuwing uuwi ako galing sa kumpanya at si Hannah lagi ang naaabutan ko sa bahay na lagi lang naman nakaupo sa sofa, nanunuod at makalat ang sala. "Di ka man lang ba talaga maglilinis?" inis kong sabi rito na nakapatong pa ang dalawang paa sa center table. "Nanjan ka na diba? edi ikaw ang maglinis." saad nito. Medyo pagod ako kaya wala na akong bala na makipagbangayan pa sakaniya kaya as always, ako na naglinis ng mga kalat kalat na balat ng chips at mga plato na pinagkainan lang nya sa maghapon pero sandamak mak. "Nanadya ka ba talaga?! buntis ako Hannah! baka nakakalimutan mo?!" sigaw ko rito. "O tapos? kung ayaw mong gawin di wag?! para namang dika pa nasanay araw araw mo naman yang ginagawa?! " sigaw

