LUPAYPAY ang lahat nang makaraos ang mga ito. Mataman lang nakatayo si Sharina habang pinapanood ang lahat na magsuot ng damit. “Nagdala ako ng tubig alam kong mauuhaw kayo.” Wika ni Sharina at nilapag sa gelid ang pitsel at baso. “Bakit?” Si Jhonson ang nagtanong. “Hindi naman para sa inyo lahat ‘yan. Kay doktora at Xhymich lang ‘yan kasi sila lang naman ang mabait sa akin.” Sagot ni Sharina. “Ahh, thank you, Sha.” Sweet ang tinig ni doktora at ngumiti naman si Xhymich. “Thank you, bhe.” Pasalamat naman ni Xhymich. “Walang anuman. Geh, maiwan ko muna kayo at maghahanda ako sa kusina para na rin makakain kayo.” Ani pa ni Sharina. Normal lang din ang lakad ng dalaga habang papaba ng hagdan hanggang sa paglabas ng mansyon. Ngunit nang makalabas ay agad siyang kumaripas ng takbo

