NAGDIWANG ang lahat ng taong naiwan ni Adam sa mansyon. Nagtungo kasi ang binata sa pangpang at ngayon ay lulan sa pivate helicopter nito patungo sa Maynila. Tumawag kasi ang abogado nila at kailangan nilang mag-usap personally dahil sa mga ari-arian at negosyo ng pamilya nilang naiwan ng kanilang magulang. Kinakailangan nga daw ay silang apat na magkakapatid ang pumunta ngunit hindi puwede ‘yon dahil walang maiiwan sa bihag nila. SAMANTALA, lumanghap ng sariwang hangin si Soledad nang makalabas ito ng mansyon. Habang ang tatlong magkakapatid ay nagkakasiyahan din at kainuman pa ng mga ito ang tatlong babae maliban na lang kay Xhymich at Maryjoy. Si Maryjoy naman ay nakababa na ng puno at pinagupitan ito ni Zendrick dahil sa abot talampakan nitong buhok. Lumapit sa kanya si Xhymich n

