LUMARAWAN ang gulat sa mata ng mga tao sa mansyon nang makita nila si Soledad at Adam na sakay ng kabayo at papalapit sa kanila. Naunang bumaba si Adam at inalalayan nito ang dalaga na makababa kaya halos nakayakap si Soledad kay Adam bagay na nagpakulo sa dugo ni Maryjoy at Kendra. Umirap si Kendra habang si Maryjoy ay mabilis na tumakbo at umakyat sa puno. Ayaw niyang makita na sweet si Adam kay Soledad dapat siya lang. “Señorita, Eda? Salamat sa diyos at ligtas kayo.” Ang mangiyak-ngiyak na si Xhymich at agad nitong niyakap ang among babae. “Sir Adam, paliguan ko muna si señorita kasi nangangamoy na eh.” Suhestyon ni Xhymich na ikinatango lang ni Adam. “Kendra, tulungan mo kami sa kusina.” Saad ni Sharina kay Kendra. “Anong akala mo sa akin pangkusina? Ba’t ‘di mo tawagin ang

