NAKADEKUWATRONG UPO si Adam sa trono ni Soledad sa harap ng mansyon habang bitbit sa magkabilaan si Don Rafael papalit sa binata at agad na binitiwan ng dalawang tauhan ang matanda at dala ng panghihina ay nadapa sa lupa si Don Rafael. “Daddy? Daddy?!” Nagpupumiglas si Soledad nang makita ang ama na hirap na hirap. Ngunit walang nagawa ang dalaga sapagkat hawak siya ng tauhan at mahigpit na habilin ni Adam na huwag itong papalipitin hanggat walang order niya. “Adamson…palayain mo ang anak ko, nakikiusap ako sa ‘yo.” Humagolhol na si Rafael ngunit hindi matablan ng awa si Adam. Yumuko siya at hinawakan nang mahigpit ang panga ng matanda. “Pinahirap mo ako, napakatigas mo.” Cold na turan ni Adam at mas lalo pang hinigpitan ang panga ni Rafael. Ngayon na nakaharap na mismo ni Adam si

