Chapter 32 Braze Maa bumilis pa ang takbo ng sinasakyan kong kotse ng mapunta kami sa highway ay bumilis din ang sinasakyang kotse ni gan. Hindi ko siya masusundan pag ganito... Habang nagmamaneho ako ay ginamit ko ang isang kamay upang dukutin ang tracker gun na nakuha ko kay gan. Itinutok ko ito sa likod ng kotse niya at ng kalabitin ko na ang gatilyo ay sinigurado kong papakat ang tracker sa kotse. Hinintay ko muna na lumipas ang ilang minuto bago ko iliko ang sinasakyan kong mutor at itigil ito sa Isang parking lot. Agad kong kinuha ang tracking device na dala ko at ng makita ko ang kulay pulang dot sa screen alam kong ito na ang kotse ni gan. Hindi niya pwedeng itago sa akin si leon, Hindi pwedeng siya lang ang magsaya. Pinagmasdan ko ang screen ng tracking device at ng t

