Chapter 6 Braze "Should I call Dr.Mendrano?" Puno ng pang aasar na tanong saakin ni Anastasia, Kasalukuyan niyang inaayos ang kama ko. Katatapos ko lang uminom ng gamot at maligo kaya heto bago matulog ay nakasilip muna ako dito sa maliit na bintanang naging pinto ng Ilaw dito sa maliit at walang kalaman laman kong kwarto. Normal na kwarto para sa mga pasyente dito sa hospital. Napabuntong hininga ako sabay sulyap sa kahuli-hulihang bagay na pinadala ni Mama. "Miss mo na ba si tita?" Napatigil sa Pag aayos ng kama si Anastasia at nakapameywang akong hinarap. "O-oo" hindi na kasi ako nito binibisita at wala na talaga akong balita kung nasaan si Mama, Basta ang naalala ko ay yung pag tunog ng stiletto niya habang lumalakad palayo saakin. Hangang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin yung s

