Chapter 13 Braze It's been a week since that happened, Naging mas malapit kami ni Gan sa Isa't isa, Yung tipo ba na more than Doctor and patient... Ginagawa ko ang lahat para hindi iyon mapansin ng iba pero sadyang makulit si gan at nakakalimutan kung ano talaga dapat kami. Napatigil ako sa pag susulat sa Notebook ko ng may kumatok sa pinto, Maaga na kaya paniguradong si Gan iyon na mag lalagay ng rasyon ko. Umagahan at gamot, Nasanay na rin ako ma imbes na nurse ang nag aasikaso saakin ay si Gan ang laging bumubungad saakin. Tinago ko ang notebook sa ilalim ng unan ko at tipid ang ngiting sinalubong ang lalaking may dalang tray. "Hey good morning." Bati nito saakin suot suot ang napakagaan niyang ngiti. "Good morning."tamad kong balik bago itinaas ang kumot na naka balot saakin,

