Devonne. Si Sofia pala ang tumatawag video call iyon kaya lang ganitong oras hindi ko na iyon matatawagan pa, kasi may trabaho na iyon sa mga oras na ito. Binasa ko na lamang ang text niya. Bumungisngis ako habang nagbabasa kasi parang naririnig ko ang boses niya habang nagbabasa ng chat niya. Ganito ang Kapatid ko. Mahilig manermon sa 'kin. Para nga Ate ko iyon masyadong matured kung mag-isip. Panigurado nito aabutin kami ng mga limang oras sa video call kapag nagkausap kami bukas o mamaya. Sofie: Aba, aba, na-engaged lang ayaw na akong kausapin. Tawagan mo ako bukas kapag wala kang gagawin kundi alam mo na. Subukan mong hindi ako tawagan dahil magbabayad ka. Natawa ako pagkatapos nag-reply na rin ako. Mababasa naman ni Sofia, paglabas niya sa work niya. Minsan kung break time nito na

