Devonne “Hello, daddy!" kabado kong sagot sa tawag niya dahil naririnig ko ang mabigat niyang paghinga. Bigla akong nag-alala baka nagalit ito sa pagtanggap ko ng maaga, sa alok na kasal ni Ibarra. "Dad, are you okay? May sakit ka po ba? Sorry kung wrong timing nakaalis na ako r'yan gusto mo po ba umuwi ako ngayon ulit diyan?" malumanay kong tanong sa kaniya. “Anak, Devonne. Totoo ba itong ipinakita ng Manang Charo? Anak, trending kayo ni Ibarra sa face book. Totoo ba ang balita sa social media? Nag-propose na nga ba si Ibarra, sa 'yo ha, Devonne?” Napalunok ako baka galit si Daddy. Tumingin ako kay Ibarra. Hindi ba siya nag paalam sa daddy ko? Naku po patay na baka nga doon nagalit si Dad kaya gano'n ang reaksyon niya. “Opo dad. Sorpresa lang po, e,” tugon ko sa mahina boses dahil ki

