Devonne Isang Linggo ng hindi dumadalaw si Ibarra sa condo unit ko, simula ng nagtungo kami sa moa na kasama si Karina. Bumalik na siya sa kompanya ng lolo niya dahil gusto ng Tito Jackson, kasi one month pa naman ang palugit ng Lolo Neil ni Ibarra, nagdesisyon lang talaga si Ibarra na hindi na paabutin ng one month dahil nga kagaya sa sinabi niya sa akin. Iisa pa rin ang sagot niya. Ako ang pipiliin niya. Wala pala alam ang Tita Janice at Tito Jackson na nagbitiw siya sa p'westo kung hindi pa ako kinumusta ng Tita Janice, at sa gitna ng aming pag-uusap. Bigla ko nabanggit iyon kaya gulat na gulat sila ng Tito Jackson. Noong una ayaw ni Ibarra. Kinausap ko kasi nga one month lang naman siya magtitiis at malay nga naman biglang magbago ang ihip ng hangin. Magbago ang isip ng Lolo Neil n

