Devonne Pagkatapos kumain lumipat sa sala. Kung p'wede lang umuwi na, ginawa ko na. Kasi naroon din ang Lolo ni Ibarra at si Karina. Iyong feeling na malaki Naman ang living room ngunit masikip iyon dahil nag-ipon kami lahat sa sala. Isa pa parang iba itong kakambal ni Ibarra. Alam n'yang fianceé ako ni Ibarra at kapatid niya, pero hindi lang ito nahihiya kung bigyan ako ng paninitig. “Parang nakita na kita,” saad nito siyang kinaangat ko ng tingin sa kaniya. Kasi iniiwasan ko na nga mapagawi sa kaniya hindi lang ako komportable iyon bang may iniisip na masama habang nakatingin siya sa 'kin. “Dati na pala kayo magkakilala?” sagot ni Karina na lihim kong kinairap sa kaniya. “Nakita ko lang siya sa mall,” sagot ko at totoo naman doon ko lang siya nakita inakala ko pa nga siya si Ibarra n

