Ibarra “Isang buwan lang ang ibibigay kong palugit, Ibarra. H’wag mo akong hamunin masama akong magalit," Lihim na kumuyom ang palad ko. Kahit na mawala ang position ko na pinagmamalaki ni lolo, wala akong pakialam doon. Sino bang gusto na maging CEO ako. Siya naman ngayon isusumbat sa akin at gusto siya ang masusunod. "Pasalamat ka nga, sa iyo ko ibinigay ang posisyon mo ngayon na CEO, kahit na magaling din naman ang pinsan mo at mas malaki ang ambag ng pinsan mo kaysa sa iyo na dalawang taon pa lang nag-focus sa kompanya. Pinaglaban ko ang posisyon mo kahit nagtatampo ang pinsan mo dahil halos binigay na niya ang buhay niya sa pagtulong sa amin ng papa mo mapalago lang ang kompanya. Tama nga naman dahil mas malaki ang ginugol mo sa walang kwenta mong pagtuturo. Kaysa mag-focus ka sa k

