FELICITY Tried to compose herself. "Bingi ka ka ba. Nakakaharang ka sabi sa daan. Hindi mo ba nakikita na may bitbit ako at magbabayad ako sa cashier?" Singhal n'ya.
Hindi mawala-wala ang mapang-uyam na ngiti sa labi ng lalaki, at sa halip na umalis ito sa harapan n'ya ay hinila s'ya nito sa braso at yumuko pa ito sa kanyang punong tenga.
She swallowed hard and her tiny fur stood as she felt the man's warm breath fanning in her neck. "Wag kang mag-alala tayo lang naman ang customer dito kaya okay lang na harangan kita…" bulong nito sa kanyang punong tenga. "May kasalanan ka pa sa akin, miss. You almost break my balls, at hindi ako makakapayag na hindi mo pagbabayaran ang ginawa mong pananakit sa kawawa kong mga itlog, hmm!"
"Bitawan mo ako!" Angil n'ya sabay hila ng braso mula sa lalaki.
Ngunit sa halip na matinag ang lalaki ay inagaw nito ang fresh milk mula sa kanyang kamay at ito na mismo ang naglapag sa counter.
Ano ba ang iniisip nitong lalaking 'to. Gaganti ba talaga ito sa ginawa n'yang pagtuhod sa itlog nito kanina? Mula sa naisip ay bigla s'ya nakaramdam ng takot.
Walang pagdadalawang isip na humakbang s'ya paatras at bago pa muling humarap sa kanya ang lalaki ay mabilis s'yang kumaripas ng takbo paalis mula convenience store na iyon.
"Hey! Your fresh milk!"
Rinig n'yang sigaw ng lalaki mula sa kanyang likuran. Hindi s'ya lumingon at sa halip ay mas lalo n'yang binilisan ang takbo tungo sa building ng kanyang condo.
Hinihingal na napasandal s'ya sa loob ng elevator pagkatapos iyon sumara. Letse ano ba kasi itong napasukan n'ya? Ang hayop na yon, dito din kaya iyon nakatira sa building? Sana naman hindi. Sana sa kabilang building ng sa ganon ay hindi na sila magkita ulit.
Teka. Bakit ba s'ya tumatakbo? What the? She is a Quijano. No one dared to touch her in this place. Fvck! Bakit ba n'ya nakalimutan iyon? Letse halos habol n'ya ang paghinga habang tumatakbo. And her fresh milk! Ang fresh milk n'ya, bakit n'ya iniwan?
Ano ba yan para naman s'yang tanga! Kasalanan talaga ito ng lalaking amoy t***d na iyon. Bakit ba kasi s'ya kinabahan bigla?
Tumunog ang elevator. Hudyat iyon na narating na n'ya ang floor ng kanyang unit. Bumukas ang elevator, agad s'yang lumabas at tumungo sa kanyang unit.
Pagkapasok n'ya sa kanyang silid ay agad n'yang binuksan ang stereo at pinatugtog ang isang sedative music. Nagbabakasakali s'yang makatulong ang musika upang pakalmahin ang kanyang sistema at nagbabakasakali na makatulog s'ya kahit papano.
What the hell is happening to her? Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibôk ng kanyang puso. Maybe because of the nervousness she felt earlier at dahil na rin sa mabilis n'yang pagtakbo.
''Kasalanan mo talaga ito lalaking amoy tamód!'' Aniya sabay ibinagsak ang katawan sa malambot na kama.
In fairness he is handsome. Kulang ang katagang gwapo upang ilarawan ang lalaki. He has this perfect jawline, dark brown eyes, and a baritone voice. Magandang hubog ng ilong at mas lalong nagpatingkad sa p*********i nito ang mayabong itim na mga kilay at malalantik na pilik mata.
'Isang gwapong t***d!'
Wala sa sariling nagpakawala s'ya ng halakhak. Haiist! Ang fresh milk n'ya. Dala-dala din siguro iyon ng letseng t***d na iyon.
Tumunog ang message alert tone ng kanyang cellphone. Agad niyang kinuha ang cellphone sa ibabaw ng bedside table niya at binasa ang dumating na mensahe.
It was a message that came from his best friend, Brixton.
"Hey, brat! Tomorrow is Friday. See you at my club at night before I leave for the States the next day. Miss you!"
Napangiti s'ya at tumipa ng reply na mensahe sa matalik na kaibigan. "Yeah, see you tomorrow night and the rest of the gang, mabuti at naisipan mong umalis ng bansa pansamantala, sa wakas maraming belat ang makakapag pahinga!"
Muli n'yang inilapag sa bedside table ang kanyang cellphone ngunit hindi pa n'ya tuluyan nabitawan iyon ay muli nanaman iyon tumunog.
Mensahe muli mula kay Brixton.
"Belat? What does it mean?"
Mabilis siyang muli nagtipa ng reply.
"It's your favorite. Tahong. Tahong na buhay!" Nakangiti s'ya habang nagtitipa ng mensahe, nakinikinita pa n'ya ang pagkapuknit ng labi ni Brixton.
Message sent.
Ilang segundo lang ang lumipas ay muling tumunog ang kanyang message alert tone.
Isang imoji na tumatawa habang lumuluha ang bumungad sa kanya pagkabukas n'ya ng mansahe.
"It's every man's favorite, Felicidad, and I am a man. Isang marupok na lalaking nilalang!" With matching sad emoji.
She cracked up. B3lat is a Visayan word for female lower private parts. She learned it when she was in Mindanao for a medical mission.
She again took a deep sigh at umayos ng higa. Hinila n'ya ang kanyang bolster pillow at niyakap sabay dantay ng binti. She closed her eyes tight. Mabuti at tila nakiayon sa kanya ang pagkakataon. Bumigat ang kanyang talukap kasabay ng pag gapi ng antok sa kanyang buong kamalayan.
*****
ALFRED LET OUT a loud laugh, habang tila eksena sa pelikula na pabalik-balik sa kanyang isip ang mabilis na pagtakbo ng babaeng canine na iyon. Napailing s'ya ng maalala ang di makahumang mukha nito kanina ng makita s'ya.
'Well, see you again soon, lady canine. Soon!'
He smiled with that thought. Ang isipin na makita n'ya ang babaeng canine na iyon ay naghahatid ng kakaibang tuwa sa kanyang kaibuturan. Hindi n'ya alam kung bakit. But there is something in that woman.
"Alfred, thank you, man!" Ani Dexter sabay tapik sa kanyang balikat.
"Don't mention it. I'll go ahead." Tumalikod s'ya at humakbang palabas ng opisina ni Dexter.
Pagkagising n'ya kaninang umaga ay agad n'yang ni-review ang mga papeles na pina-review ni Dexter sa kanya. He then went straight to Dexter's office after his breakfast.
"Alfred!"
Lumingon s'ya. He saw Dexter run towards him habang hawak nito sa kanang kamay ang brown envelope. "May gagawin ka ba mamaya?"
"Wala naman. Why?" He asked.
"Opening ng bagong club ng kaibigan ko mamaya. Wanna join? Let's get wasted sometimes," ani Dexter na sinabayan ng tawa ang sinabi.
"Yeah, sure. Just send me the location." Nakangiti n'yang wika.
"Good!"
Sabay nilang tinalunton ni Dexter ang pasilyo tungo sa elevator. Pagdating sa garage ay kanya-kanya nilang tinungo ang kani-kanilang mga sasakyan.
"See you later, Alfred." Wika ni Dexter habang kumakaway sa kanya.
"Yeah, see you!" He waved back.
Agad s'yang pumasok sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon paalis ng DLGC building. He went straight to his Law Firm office.
Naging okupado ang sumunod niyang mga oras. Meeting with clients, signing and reviewing some documents. Tanging kain lang ng pananghalian ang naging pahinga n'ya. Tomorrow is the weekend, kaya lahat ng dapat tapusin ay tinapos n'ya ngayong araw.
He wants a break in the coming days. Next week will be a hectic week for him, kaya kailangan n'ya ng pahinga ngayong weekend. Napaangat s'ya ng mukha. Tumagos ang tingin n'ya sa salaming dingding na pagitan ng kanyang opisina at ilang emplayado.
Napangiti s'ya as he saw Carmela busy answering the phone. kumukumpas pa ang kamay nito sa ere. This is what he likes about Carmela. Pagdating sa trabaho ay masinop she knows when to flirt with him and when is not.
He took a deep sigh and shook his head. He likes Carmela as an employee, masipag at masinop at bilang babae gusto n'ya ang pagiging free spirit nito. Ngunit hindi n'ya nakikita ang sarili na maging seryoso sa kung ano man ang namagitan sa kanila ngayon. He does not see himself being entangled in a serious relationship. Not even in his wildest dreams.
"I'll go ahead. Here are the documents that need your immediate attention. Kasali na rin dyan ang schedule ng mga appointments mo this coming week." Anito sa kanya sabay lapag ng mga documents sa ibabaw ng kanyang mesa.
"Thank you, Carmela. You can now go home. Happy weekend," aniya.
"Do you have any plans this weekend?"
"Yeah! I'll be out of town." Pagsisinungaling n'ya.
"See you on Monday, then."
"Yeah, see you!"
Humalik si Carmela sa kanyang pisngi. Naangat n'ya ang mukha at napapatitig kay Carmela. Carmela just smiled. "By, Alfred," anito sabay umayos ng tayo at mabilis na tumalikod saka umalis.
Napailing s'ya at muling napabuntong hininga.
Tunog ng kanyang cellphone ang umagaw ng kanyang atensyon. Agad n'yang inabot ang cellphone na nakapatong lang sa kanyang mesa.
It was a message coming from Dexter.
"See you. I will send you the location."
'Fvck!'
He almost forgot. May usapan pala sila ni Dexter. Napatingin s'ya sa relong pambisig. Damn! It was eight in the evening. Agad nyang inayos ang lahat ng papel na nagkalat sa kanyang mesa at pumasok sa loob ng kanyang pribadong silid.
He took a quick shower pagkatapos ay mabilis na nagbihis. Good thing kumpleto lahat ng gamit n'ya sa loob ng silid na iyon. He changed into a black chino shorts, a white plain T-shirt and white breathable sneakers. Nagsuot s'ya ng itim na sumbrero at lumabas ng silid.
"Good evening sir!" Bati sa kanya ng isang secretary na nakasalubong n'ya sa pinto pagkalabas n'ya ng opisina.
Ngumiti s'ya at tumango. "Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong n'ya sabay tingin sa iba pang mga employees na naroon.
"Hindi pa po. Naghahanda si Atty, Marquez at Lopez para sa hearing next week!" Sagot ng secretary.
Muli s'yang tumango. "I'll go ahead!"
Ngumiti at tumango sa kanya ang secretary ni Atty. Marquez at Lopez.
Mabilis s'yang umalis at tumungo sa location na pinadala ni Dexter sa kanya. Ilang minuto lang ang lumipas ay narating na n'ya ang club kung saan naghihintay si Dexter.
As he entered the club, sumalubong sa kanya ang maharot at maingay na musika na sinabayan ng magaslaw na galaw ng mga samu't-saring kulay ng ilaw. Wala pang masyadong tao dahil medyo maaga pa. Ngunit mayroon ng mangilan-ngilan na sumasayaw sa dancefloor.
"Magandang gabi po. Kayo po ba si sir Alfred?" Tanong ng babaeng nakasuot ng black pleated mini skirt at red crop top shirt na may tatak na BrixClub sa bandang kanan ng itaas na dibdib. Maputi ang kutis ng babae at pulang-pula ang labi.
"Yeah, it's me!"
"Dito po sir."
Sumunod s'ya sa babae. Sa isang private room s'ya nito dinala. Binuksan ng babae ang private room. Bumungad sa kanyang paningin si Dexter at Drake kasama ang ilang kaibigan ng mga ito.
"Alfred!" Bulalas ni Dexter. "Mabuti at nakarating ka."
Ngumiti s'ya sabay nakipagkamay kay Dexter. Drake stood up and shook hands with him, ipinakilala din s'ya ni Dexter sa dalawa pang kaibigan na sina Brixton and Bryan.
"Welcome to the club, Atty. Vargas!" Ani Brixton sabay bigay sa kanya ng shot glass na may lamang whiskey.
Tinanggap n'ya ang shot glass. "Thank you!" Aniya sabay dinala sa labi ang shot glass at tinungga ang laman nitong whiskey.
"Good evening!" Tinig mula sa pintuan ng Private room na iyon.
Isang pamilyar na tinig na naging dahilan ng tila pagbara ng whiskey sa kanyang lalamunan. Mariin n'yang nilunok ang ininom na alak at mabilis na lumingon sa pinanggalingan ng boses.
He was stunned, at saglit tila s'ya pinako sa kinauupuan. The woman who entered the room was no other than the woman who hurt his balls. The lady canine.
"Hello, Brat! I'm glad you came!" Ani Brixton sabay tayo ito at lumapit sa babae. Niyakap nito ang babae at hinalikan sa pisngi. Ganun din ang ginawa ni Bryan. Maliban kay Drake at Dexter na tinaas lang ang mga kopita na hawak bilang pagbati sa pagdating ng babae.
Hindi n'ya inalis ang titig sa babaeng Canine. The woman is wearing rugged jeans and a nude brown halter spaghetti strap top. May butas ang jeans na suot nito sa magkabilang tuhod. Lumitaw ang kaputian ng babae at ang angking alindog.
The woman was damn gorgeous and sexy as hell. Kahit sinong lalaki ay siguradong mabibighani sa taglay nitong alindog, and he is a man kaya wala syang exemption.
The woman sits beside him hindi man lang s'ya nito napansin. Kapagkuwan ay tinanggal nito ang clutch bag sa balikat at nilagay sa kanilang gitna sabay pinagkrus ang mga hita.
'Fvck! Even the woman's scent was damn addicting. Binubuhay nito ang kakaibang init sa kanyang sistema.
"Balak mo ba punuin ng club at bar mo ang buong manila Brixton?" Tanong ng babae kay Brixton.
"Kung pwede lang naman, why not?" Ani Brixton sabay nagpakawala ng mahinang halakhak.
"Bigyan mo naman ng chance ang mga small entrepreneurs. Wag mo solohin lahat!" Ani ng babae na nagpatawa kina Drake at Dexter, Bryan at Brixton.
The woman suddenly sniffed sabay lumingon ito sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito at mariin na napalunok ng magtama ang kanilang paningin.
"I-Ikaw?" Bulalas nito.
"Yeah, it's me!" He answered while he kept on smirking. "Small World right?"
They were staring into each other, awang maging ang labi ng babae habang nakatitig sa kanyang mukha. "What the hell are you doing in here?" Pabulong na tanong nito sa kanya.
"I was invited by a friend…" he whispered. "Relax, wala akong gagawin. Wala pa. Not unless, bubungangaan mo ulit ako." Lihim na nagdiwang ang loob n'ya ng makita ang mariin na paglunok ng babae.
"Did you two know each other?" Agaw ni Dexter sa kanilang atensyon.
"Nope," mabilis na sagot ng babae sabay mabilis na inabot nito ang shot glass sa harapan nito at nilagyan ng whiskey sabay marahas na tinungga.
"We don't know each other's name. Pero nagkita na kami, twice!" Sagot n'ya.
"She is our best friend, Felicity, the only daughter of Lieutenant General Quijano." Pagpapakilala ni Dexter.
"I see," simpleng tugon n'ya habang hindi inaalis ang titig sa mukha ng babae na ngayon ay namumula.
"Felicity, the man beside you is a well-known lawyer, Atty. Alfred Vargas."
"A-Attorney?" Bulalas na wika ng babae sa nanlalaking mga mata.
"You heard it right. I'm a lawyer and not a paparazzi, Miss Quijano!"