“I will fetch you later.” Ani Alfred. Kinabig siya nito sa bato at hinalikan sa noo. “Kay,” maikling tugon niya. Agad tumalikod sa kanya si Alfred at mabilis muling sumampa sa sasakyan. Muli itong lumingon sa kanya. Ngumiti at kumaway bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan palayo. Sa mabilis na hakbang ay agad tinungo ni Felicity ang kanyang sasakyan. She took out her electronic car key and opened her car. Mabilis na sumampa siya sa sasakyan at pinaharurot iyon. Ilang segundo lang ang lumipas ay nakasunod na siya sa sasakyan ni, Alfred. Habang nagmamaneho ay panay ang kalabog ng dibdib niya. Alam niyang walang kasing sakit ang maaaring matuklasan. Ngunit hindi pwedeng magbulag-bulagan at magpakabingi na lamang. Mahal niya si Alfred. Sobrang mahal. Ngunit kaya niyang isakripisyo ang p

