“Malaki naman ang tiwala mo kay Drake di ba?” Nakangiting tanong ni Felicity kay Althea. Maaga niya itong pinuntahan. Galing ng Taguig ay dumiretso siya dito sa forbes makati upang bisitahin ang asawa ni Drake. She was quite worried na baka nakita din nito ang newspaper kung saan nakalathala ang balita tungkol sa DLGC at sa mga lintik na lintang kumakapit kina Drake at Alfred. “Tiwala? Oo. Malaki ang tiwala ko sa asawa ko. Bakit ikaw? Wala ka bang tiwala kay Alfred?” Balik tanong sa kanya ni Althea. Ngumiti siya at bumuntong hininga. “Hindi ko alam Althea. Kilala ko kasi ang damuho na yun. Habulin ng babae at pagdating sa babae nagiging marupok. Kaya siguro oo. Marupok din ang tiwala ko sa kanya. Kasing rupok ng pagkatao niya.” tugon niya na sinabayan ng pagak na tawa ang sinabi. “Ang

