The night was quite loud with the music of waltz echoing in the entire function hall of De Luna Hotel where the charity ball was held. Hindi naging hadlang ang maingay na musika na bumabalot sa buong function hall na iyon upang pahupain ang matinding pag-aalala na bumabalot sa buo n’yang sistema. Ang buong isip n’ya ay okupado sa kinakaharap na eskandalo na dulot ng kumakalat na larawan nila ni Alfred sa mga pahayagan. Pag-aalala para sa ama at kay Alfred ang namamayani sa kanyang isip. “Ang lalim ng iniisip mo. Are you worried about him?” Lumingon s’ya sa kanyang tabi kasabay ng pagsilay ng isang pilit na ngiti sa kanyang mga labi. “I am, Tate!” Pag-amin n’ya. “Mahal ka ba n’ya?” Nakangiting tanong ni Trinity. “He did.” Walang gatol n’yang sagot. “If he loves you, then trust him,

