Bumalik agad mula states si Brixton at maging si Bryan ay agad din bumalik ng bansa mula France ng mabalitaan ng mga ito ang pagpanaw ni Don Alfredo. Nagkaisa sila upang damayan ang matalik na kaibigan na si Drake. Napag-alaman din ni Felicity mula kay Dexter. That Alfred was raised by Don Alfredo. Si Don Alfredo ang tumayong ama kay Alfred sa loob ng dalawampung taon. Dalawang araw na simula ng dumating ang mga labi ni Don Alfredo sa Forbes Makati. Bniyahe pa mula hacienda de luna ang mga labi ng namayapang Don. Gustong lapitan ni Felicity si Alfred ngunit hindi n'ya magawa. Lalo pa at may mga press sa paligid. Nagkasya na lang s'yang tanawin mula sa di kalayuan ang binata. Tulad ngayon. Alfred was standing near Don Alfredo's casket. Nakasuot ng maong na kupas ang binata at plain gr

