“Belat ko, open this fvcking gate. Mag-usap tayo. Kausapin mo ako!” Muli ay sigaw ni Alfred mula sa labas ng gate. Nakatayo si Felicity sa mismong balkonahe ng silid ng kanyang yumaong ama. Napahilot sa batok ang isang kamay at kagat ang ibabang labi na nakatanaw kay Alfred. Nasa tapat ito ng malaki at mataas na gate at panay ang kalampag nito sa bakal na gate. Hawak nito sa isang kamay ang bote ng alak. Tinungga nito ang alak kapagkuwan ay muling hinampas ng palad ang gate. “Hon, Felicity, open this fvcking gate, please! Let us talk. Sobrang miss na kita!” Muli nitong sigaw. Kapagkuwan ay paatras itong humakbang tungo sa gitna ng kalsada. Itinaas nito ang braso sa ere at kumaway. Napayuko siya. Kagat niya ang daliri sa kanang kamay habang ang isang palad ay mariin na nakahawak sa bal

