Hindi alam ni Felicity kung saan siya dadalhin ni Alfred. Ngunit basi sa tinatahak na daan alam niyang tutungo sila ng Tagaytay. Hinawakan ni Alfred ang kanyang palad. Pinisil nito iyon at dinala sa labi at pinatakan ng halik. Napangiti siya. Umusog siya papalapit sa nobyo, dumukwang siya dito at hinalikan ito sa pisngi. “I love you!” She whispered. “And I love you more, mi Felicidad!” They sweetly smiled at each other. Kapagkuwan ay inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat nito at ipinatong sa kanyang hita ang kanilang magkasiklop na kamay sabay pikit ng mga mata. Tinig ng mga ibon sa paligid ang dahilan upang maimulat ni Felicity ang mga mata kasabay ng pagdampi ng labi sa kanyang noo. “A-Alfred!” Mahina niyang sambit. “Where here, hon!” Nakangiti nitong wika sa kanya. Napali

