Sid Umupo ako sa stool ng cafe na madalas kong puntahan. Paborito ko ditong kainan. Wala rin namang nakakakilala sa akin. At kung meron man, hindi sila mangangahas na kalabanin ako lalo na sa gitna ng pagkain ko. Ang pinakaayaw ko sa lahat iyong nadidisturbo ako habang lumalamon. Baka pati sila ay makain ko. Nag-order ako ng palagi kong kinakain. Nakahoody pa ako. Tuwing umaga ay dumederitso talaga ako dito bago doon sa hideout namin. Alam ko kasing walang matinong pagkain doon. Kaya nga ganoon rin kung umasta ang mga siraulo. Parati kasing nalilipasan ng gutom. May babaeng bumakante sa tabi ko. Hindi ko na ito nilingon pa at itinuon lang ang buong atensyon sa pagkain. 1 "Good Morning po." Bati niya doon sa lalakeng nasa loob ng counter. Iyon ang incharge dito sa pagbibigay ng pagkai

