Despite: Xavier. Mabuti at pinayagan ako ni Boss Xyler ngayon na mag-day off. Mabilis kong nilalakad ang pasilyo ng opisinang ito patungo sa parking area. Hanggang ngayon, may bumabalabag pa rin sa isipan ko kung sino ang pumatay sa mga magulang ko, kung sino ang nasa likod ng malagim na trahedya sa mga pangyayari noon. Halos ilang dekada na ang lumipas, hanggang ngayon hindi pa rin malinaw ang lahat sa akin. Kung hindi kay Boss Xyler, siguro matagal na akong malamig na bangkay ngayon. Dahil sa kanya, binigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay. Kinakailangan kong hanapin ang gumawa nito sa aking buong pamilya, kung bakit sila pinatay. Pagdating ko sa parking area, agad kong binuksan ang pinto ng aking sasakyan at sumakay. Pinasok ko ang susi sa sasakyan at sinimulan iton

