Habang kumakain kami ni Xyler ng hapunan, biglang tumunog ang kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. "Xy, yong phone mo kanina pa yan nagr-ring," sambit ko habang sinusubo ang kanin sa aking bunganga. "I'll check it later, baby girl," sagot niya at kaagad naman ito sinubo ang kanin. Bigla akong napatingin sa kanyang cellphone ulit nang magkasunod na mensahe ang dumating. Kinuha niya ito at in-off saka ito pinagpatuloy ang pagsubo ng kanin. Tiningnan niya ako ng diretso saka nagsalita. "May gusto ka bang itanong sa akin, baby girl?" tanong niya. Kaagad akong umiiling sa kanya bago siya sinagot. "Wala naman, Xy. Baka kasi importante ang tawag na 'yan. Bakit hindi mo muna sagutin 'yan?" sabi ko. "Whether it's important or not, baby girl, it doesn't matter, okay? Mas impo

