XYLER'S POV: Nakasuot ako ng black and white pinstripe with matching tuxedo habang nakatayo ako ngayon sa malapad na garden dito sa Davao, kung saan lumaki si Linn. Today is my wedding day, sa babaeng pinakamamahal ko. My wedding is very simple, ito ang gusto ni Linn, simpleng kasalan lang. Pumayag ako sa gusto niyang mangyari. Kung ako lang sana ang masusunod, gusto ko sana pakasalan siya sa malaking simbahan katulad ng hinihiling ng iba. But Linn she's decided ito ang gusto niya, simple, at hindi masyadong maraming tao ang nakapaligid sa amin. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba sa puso ko. Kaagad kong tiningnan ang aking orasan sa kaliwang kamay ko. mag 8:40 na nang umaga ilang minuto na lang ang hihintayin ko darating na si Linn dito. "Bro, congratulations," sambit ni Tyl

