Halos mag-isang linggo akong nananatili dito sa bukid. Ang sarap talaga ng pakiramdam ko. Walang problema na iniisip at sobrang tahimik. "Ate Linn," sambit ni Shine na agad na umupo sa gilid ko. Kaagad kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. "May sasabihin ka ba, Shine?" diritsong tanong ko. "Magpapasama sana ako doon sa dulo upang kumuha ng prutas. Ate, baka naman pwede mo akong samahan doon." "Oo naman, ikaw pa. Ang lakas mo kaya sa akin," napangiti na lang ako nang bigla niyang hinila ang isa kong kamay. Mukhang nagmamadali yata ito. "Ano ba ang kukunin mo doon, Shine?" tanong ko habang naglalakad kami sa malapad na lupain. "Gusto ko sana kumain ng niyog, Ate Linn. At saka, diba ngayong araw ang harvest ng ating niyog?" "Sigurado akong maraming mga tao doon sa dulo kaya halika na ba

