Kanina pa kami dito sa loob ng sasakyan, mukhang wala ata isa sa amin magsasalita. Tahimik si Xyler na nasa aking tabi, nakaupo. Tumikhim ako para mapansin niya, ngunit ganun pa rin, parang hindi niya ata ako narinig at ganun pa rin ang lalim ng iniisip niya. Hindi kaya naisip niya ang nangyari kanina? Kinakabahan ako. Baka mamaya may gagawin na naman si Xyler sa akin. Nakakatakot siya kapag magalit. Muling bumabalik sa isipan ko ang ginagawa niya sa akin noon na pinapatong niya ako sa ibabaw ng lamesa. Sana wag niya naman gawin ulit iyon, saad ko sa aking sarili. Nang bigla siyang nagsalita, kailan ka lilipitan sa bahay ko, Linn? Tanong niya habang nakatingin pa rin ito sa harapan. Hindi ko alam, diretsong sagot ko. Agad niya akong tiningnan nang diretsuhan. Why Linn? Hindi mo ba nak

