[Anastasia's POV] Hindi pa ako tapos sa pamimili ng isusuot ko para sa paglabas namin nang bigla akong niyakap ni Lexus mula sa likuran at isinubsob ang ulo nito sa aking balikat. Nagmamadali na sana ako sa aking ginagawa dahil nakita kong napakabilis nitong nakapagbihis kanina. Ngunit laking gulat ko nalang dahil nakasando na lamang siya ngayon. "Lexus? Anong ginagawa mo?" tanong ko dito at nakiliti nang maramdaman ang hininga niya sa aking leeg. Natameme na lamang ako nang bigla niya akong hinalikan sa balikat habang marahang kumakanta ng isang himig na hindi ko maintindihan. "Can we stay like this, Baby? Pwede bang manatili nalang tayo dito sa hotel at lalambingin nalang kita hanggang sa magsawa ka sa akin?" aniya saka hinawakan ang magkabilang braso ko. Laking gulat ko na lamang

