[Anastasia's POV] Pumayag siyang sa upuan matulog ngunit panay naman ang balikwas nito kanina pa. Hindi siya mapakali at palagi nitong inaayos ang unan na para bang tinatakpan nito ang tainga niya. Kung hindi ako nagkakamali halos dalawang oras na ang nakalipas pagkatapos naming mahiga pero heto at hindi rin ako makatulog dahil sa kakasilip sa kaniya. "Hindi ka pa rin ba makatulog, Lexus? Sumasakit ba ang likod mo dahil manipis ang foam o naninibago ka ba sa mga naririnig mo?" tanong ko saka napaupo nalang din sa higaan. Napakurap si Lexus at tumuon ang paningin sa akin. Halata sa mukha nito na kanina pa siya namomroblema kung paano makakatulog. "The noise is creeping me out, Baby. Hindi mo ba naririnig ang malakas na tunog na 'yan?" sambit nito at hinintay na muling humuni ng malakas

