[Anastasia's POV] Nagawa naming lampasan ang record ng isang Margaret de Luna - Valencia, it was declared and announced earlier on the day three's opening message. Muli rin akong sinabihan ni Dylan na huwag ko siyang alalahanin backstage ngunit naging matigas pa rin ang ulo ko. Gusto kong makita kung paano mamayagpag ang huling set ng designs na ipapakita namin sa fashion exhibit. Dylan's designs would be a great surprise to them tulad ng mga ipinakita namin kahapon. Alam kong magagawa naming makakuha ng maraming orders sa pamamagitan nito kahit pa sabihing hindi na kami makakasali sa last day nh event. Ngunit hindi ko alam kung bakit nakaramdam na lamang ako ng kurot sa puso nang makita ang kulay puting winter dress mula sa unang sasalang sa runway. Maganda ang disenyo nito at mamahal

