[Anastasia's POV] I smiled contentedly while staring at him. Pansamantala kong pinigilan ang paghinga ko nang maramdamang ipinulupot ni Lexus ang kamay niya sa akin habang nakahiga kami sa iisang kama. How did we ended up like this? Sinadya niyang yakapin ako at ihiga pagkatapos naming lumabas ng hot spring kanina. At kung kailan akala ko nawala na ang lahat ng lamig ko sa katawan, siya namang buhat nito sa 'kin. "Thanks for accepting my request, Baby." Matamis na ngumiti si Lexus habang hindi pa rin pinakakawalan ang katawan ko. Agad ko na lamang iniwas ang tingin ko sa kaniya nang maamoy ko ang mabini nitong amoy. Inaamin kong natutuwa ako dahil nagawa naming makapag-solo at makapagliwaliw sa pamamagitan ng motor niya. Sinunod lang naman ni Lexus ang lahat ng instruction ko kung ka

