Chapter 69 - Southern Caballero Arrival

1540 Words

[Anastasia's POV] Hindi pa man kami nakakarating sa bahay ng tiyuhin at mga pinsan ko ngunit ramdam ko ng humahaba ang mga leeg ng mga taong nakakakita sa aming dalawa ni Lexus sakay ng isang tricycle papasok ng baryo. Mukhang wala pa ring pinagbago at mas dumami lamang ang mga chismosa sa aming lugar. Ano pa nga bang aasahan ko? Masyado naman kasing g'wapo ang lalaking kasama ko ngayon. Maliban doon, mas dalaga na sa aking tingnan ang mga batang nakikita kong nagtatakbuhan lang noon sa kalsada pero ngayon, nanlalaki na ang mga mata nila habang nakatingin sa amin. Dalawang oras ang naging flight namin ni Lexus at tatlong oras naman ang biyahe ng bus mula sa lungsod papuntang baryo. Akala ko magiging boring para sa kaniya na matagal kaming nakaupo sa bus ngunit maling akala lang pala ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD