[Anastasia's POV] Ilang minutong natahimik si Lexus pagkatapos niyang pumasok sa kwarto ko kung saan abala na din sina Dylan at Lou sa pag-iisip kung ano pang maari naming gawin para sa fashion exhibit. Nagawa ko na ring ipaliwanag sa kaniya kung paano nagsimula ang dilemma na kinaharap namin sa backstage kung kaya gano'n na lamang ang hirap na naranasan namin. "Sinubukan naming gawin ang lahat ng paraan upang mahanap ang mga damit na kabilang sa Maria Clara Collection ngunit sumuko nalang kami sa paghahanap. 'Yon ang dahilan kung kaya gumawa kami ng last minute decision at napilitan akong lumabas kanina sa runway," sabi ko habang matiim nakatingin sa kaniya. Kita kong kumuyom ang kamao nito saka malalim na bumuntong-hininga. Bakas ang matinding galit sa kaniyang mga mata. I don't wan

