[Anastasia's POV] Tahimik lamang akong tumayo sa tabi ni Lexus habang pinagmamasdan nito ang mga taong abala sa paghihintay na mag-umpisa ang second day ng fashion exhibit. Bakas sa mukha ng mga buyers ang excitement na nararamdaman habang kaba at pressure naman ang nararamdaman ng mga fashion designers sa backstage. Nagtatakbuhan ang mga ito, kani-kaniyang panik at hindi maipinta ang mga mukha sa tuwing may aberyang nakikita sa damit na ipinapasuot nito sa mga modelo. "Why are you here, Baby?" kaagad na tanong ni Lexus habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa mga taong nasa harapan namin. Nagmukha siyang conductor ng isang orchestra sa harapan ko. Siya iyong tipo ng head na hindi mapakali hanggang hindi nasisiguradong maayos na ang lahat. Marahil epekto pa rin ito nang nangyari sa

