Felomena
Naputol ang mahimbing at payapang pagtulog ni Mena ng malakas na kalampagin ng tiyahin niya ang kamang hinihigaan. Kaagad siyang napabalikwas at halos mahulog na sa kama dahil sa hindi inaasahang ingay na nilikha ng maldita niyang tiya.
Napasapo siya sa kaniyang noo at umiling. Bagsak na bagsak pa naman ang katawan niya kagabi dala ng pagod sa buong maghapong paglalako at pagtulong sa karinderya ni Aling Lucy. Isa pa ay pagkadating niya kagabi ay kinailangan niya pang mag-imis ng mga kalat sa sala dahil ayaw niyang ipisin at dagain sila sa kusina na basta na lang iniwan ng kaniyang mga tiya.
"Anong oras na, Mena!? Nakahiga ka pa riyan!" bulyaw ng tiya Elsa niya.
"Napaka tamad talaga... Manang-mana sa ina, e!" sigunda naman ng tiya Ana niya na kasalukuyang nakatayo sa paanan niya.
Nagsalita ang 'di tamad;;
Labag man sa kalooban niyang bumangon na dahil alas singko pa lang ay wala na siyang nagawa. Pagod pa rin ang pakiramdam niya dahil wala siyang sapat na pahinga.
"Hayaan niyo munang magpahinga ang pamangkin niyo, Elsa, Ana." Mahinang pakiusap ng kaniyang lola sa mga anak nito.
Tinignan naman ng masama ng magkapatid ang kanilang ina.
"Hay. Nako, inay! Kaya tumatandang tamad at lumalaki ang katawan niyan dahil sa pangungunsinti niyo," inis na pahayag ng tiya Elsa niya.
Tahimik siyang naghimutok dahil sa bahay na ito ay tanging siya lang ang gumagalaw upang magtrabaho at kumita ng pera para may maipantustos sila sa mga gastusin nila araw-araw.
Gusto niyang umiyak dahil awang-awa na siya sa kaniyang sarili. Kahit anong pagsusumikap at pagpupursige niya ay wala pa ring silbi ang tingin sa kaniya ng mga tiyahin niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang mga ito sa kaniya gayong hindi naman totoo ang mga sinasabi nilang tamad at batugan siya.
"Babangon na, ho."
"Dalian mo! Amin na nga pala ang renta niyo sa bahay ngayong buwan," akala mo kung sinong maningil ng tiya Ana niya.
Tahimik siyang tumayo para kunin ang pitaka sa kaniyang beltbag kinuha niya ang dalawnag libo at sala niya inabot 'yon sa tiyahin.
Ganito ka-gahaman ang mga tiyahin niya. Akala mo ay hindi sila kamag-anak kung iturin ng kaniyang lola. Buwan-buwan silang pinagbabayad ng dalawang libo bilang upa sa bahay, wala naman siyang magagawa kundi magbigay na lang dahil ayaw niya ng gulo.
Hindi pa man niya naiaabot ng maayos ang pera ay basta na lang itong hinablot sa kaniyang kamay. "Ayan. Dapat laging ganiyan, 'yung nga rin palang koryente bayaran mo na."
"Akala ko ba ay nabayaran mo na 'yon, Elsa?" Singit ng kaniyang lola.
"Manahimik nga kayo inay! Responsibilidad ni Mena 'yan, anong silbi ng laki ng katawan at lakas lumamon niyan kung kami lang din ang magbabayad?" mataray na pahayag ng tiya Elsa niya.
Nilapitan niya ang kaniyang lola. "Okay na po, lola. Ako na, po."
Hinawakan nito ang kaniyang braso. "Apo ko..." Anito at malamlam siyang pinagmasdan. Pinaglapat niya ang kaniyang mga labi at saka pilit na ngumiti.
"Hay nako! Diyan na nga kayo. Ang dra-drama niyo. Tara na Ana at baka mahuli pa tayo sa bingohan," aya nito sa kanyang kapatid.
Nag-martiya ang dalawa palabas ng kanilang maliit na silid. Napabuntong hininga siya at napayuko na lang sa maagang kamalasan niya. Maghapon na naman ang mga ito sa sugalan, uuwi lang kung kakain na at magagalit pa kapag walang nakahanda sa mesa. Akala mo naman ay may ipinatagong pera para maipaghanda sila gusto nilang pagkain.
"Pasensiya ka na apo sa mga tiya mo, ha."
Pilit siyang ngumiti. "Wala po 'yon, 'la. Sanay naman na po ako sa kanila. Siya nga po pala, may gamot pa po ba kayo?" pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niyang magdamdam pa ang lola niya dahil sa kalagayan nito. Hindi ito dapat malungkot at ma-stress dahil bawal 'yon sabi ng doctor nito.
Tinignan niya ito sa mata. Payat na ito kumpara noong malakas pa at nakakapag-trabaho. Matanda na ang lola niya, 92 na ito at may mga karamdaman na.
"Mayroon pa naman apo. Huwag mo na muna akong alalahanin may pang ilang araw pa akong tabletas. Apo... Alam ko na napapagod ka na, kung may magagawa nga lang ako apo hindi ko hahayaang pasanin mo lahat. Kung hindi mo na kaya at pagod ka na, maari mo na akong iwan dito apo para naman makapamuhay ka ng maayos hindi 'yung pabigat kami sa buhay mo."
"Lola naman. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na pabigat ka. Sila tiya pa siguro pwede. Pero ikaw? Mahal na mahal kita lola kaya 'yang sinasabi mong aalis ako dito at iiwan ka ay hindi mangyayari. Aalisan man siguro ako pero hindi ako papayag na maiwan ka, dapat magkasama tayo saan man ako magpunta o tumira. Kaya palakas ka, lola, ha!? Marami pa tayong pupuntahan kapag mayaman na tayo," natatawa niyang sabi. Niyakap niya ang kaniyang lola at saka ito hinagkan sa noo.
Ganito siya sa tuwing masama ang loob, pinapasaya niya ang sarili at isang yakap na mahigpit lang mula sa kaniyang lola ay solve na siya.
"Ikaw talagang bata ka. Sige na, apo ika'y magpahinga pa ulit kung gusto mo. Itulog mo na lang muna at babantayan lang kita dito."
"Hindi na po lola. Maghahanda na rin po ako ng at baka daanan ako ni Betty. May raket daw po kami ngayon," aniya.
"Ganon ba? Ay siya, sige. Ika'y maghanda na apo."
Mabilis lang siyang nag-ayos ng sarili, hindi pa nga nagtatagal ay nariyan na si Betty at tinatawag na siya.
"Felomena na maganda! Lumabas ka na rin, napapalibutan ka na namin..."
Napailing siya ng marinig ang kabaliwan nito. Lumapit siya sa kaniyang lola habang sinusuot ang kaniyang beltbag.
"Alis na po ako 'la," aniya at saka niya ito hinagkan sa pisngi.
"Mag-iingat ka apo, uuwi ka ng maaga. Huwag kang magpapagabi, alam mo naman na maraming masasamang loob sa labas," bilin ng lola niya.
"Oo na po, 'la. Para namang may magkaka-interes sa akin, e."
"Hay... Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan. Akala mo lahat ay biro," sabi ng kniyang lola.
"Alis na po ako."
"Sige. Mag-iingat, umiwas sa gulo."
Tumango na lang siya at saka na lumabas ng bahay. Nakita niya roon si Betty na nakapamewang na mukang naiinip na.
"Ang ingay mo. Pano kung narito ang mga tiyahin ko?" aniya.
"Pake ko sa mga tiyahin mong pal at kapalmoks. At bakit nakabusangot ka? Bad trip ka na naman noh!?"
Naglakad na sila palabas ng kanilang kalye. Napabuntong hininga siya. "Ano pa nga ba? Wala naman bago."
"Sus... Ikaw naman kasi, puwede naman kayong bumukod ng lola mo siya rin lang nagbabayad ka ng buwanang renta kesa nagtitiis ka sa mga masasamang ugaling tiyahin mo."
"Wala pa akong sapat na ipon at saka alam mo naman may sakit si lola hindi ko basta-bastang ilipat baka makasama pa sa kaniya. Mabuti na rin 'yon at nakila tiya kami para may nakakasama pa rin si lola kapag nasa trabaho ako."
"Hay nako! Pareho lang naman, a. Parang wala pa din naman sila dahil hindi naman sila napirmi sa bahay niyo."
"Hayaan mo na ako, Betty. Okay lang ako," sagot niya.
Sumimangot ito sa kaniya. "Ikaw bahala. Sige, bilisan na natin malapit ng mag alas nueve, baka marami nang tao sa sabungan."
Sabado ngayon at wala siyang tanggap kay aling Lucy kaya sa sabungan muna ang raket nila ni Betty. Magiging cashier nga lang sila sa ticket booth ngayong araw, sayang din naman ang /kikitain nila siya pang pambili ng gamot ng kaniyang lola at pambili ng makakain ng mga kapatid ni Betty.
Naawa siya kay Betty dahil nasayang ang pag-aaral nito, matalino pa naman ito. Nahinto ito sa pag-aaral dahil sa lasengo nitong ama at sugarol ding ina. Kaya katulad niya ay sa kaniya lahat nakaatang ng responsibildad.
Hindi naman sila nahirapan sa pagsakay ng jeep dahil maluwang pa ang nasakyan nila. Ayon nga lang tulad ng palaging kaganapan sa loob ng sasakyan ay pinagtitinginan siya ng mga tao dahil sa hindi pangkaraniwan niyang laki pero sanay naman na siya.
Pagkarating pa lang nila sa La Loma ay kaagad na silang isinabak ni Betty sa ticketing booth, mabuti na nga lang at kahit mahina siya sa ibang bagay ay magaling naman siya sa numero kaya pumasa siya bilang cashier. May limang window ang ticket booth, si Betty ay sa window one nakatoka at siya naman ay sa window 5.
Maraming ng taong nakapila at nagsisidatingan pa upang bumili ng ticket para makapasok sa loob ng sabungan. Kaalis lang ng isang costumer at iniaayos niya ang ibang ticket na nasa harapan niya ng marinig niya ang boses ng isang lalaki na parang pamilyar sa kaniya.
"Magkano?"
Kaagad siyang sa nag-angat ng paningin sa lalaking naka shades at nakasuot ng mukang mamahaling all black clothes. Pasimple niyang binistahan ito. Masasabi niyang umaangat ang kakisigan nito dahil kapansinpansin ito talaga kumpara sa ibang naroon. Sa tanggakad nito ay talaga namang malabong ma-ignora lalo na sa mga kababaihan.
Hindi siya nagkakamali ito ang lalaking baliw na nagsasabing maging reyna ng planeta nito.
Napakunot siya ng noo dahil sa pagtataka kung bakit narito ang isang katulad nitong muka namang kagalang-galang at edukado. Sinusundan ba siya nito? Pero hindi naman siguro. Baka nagkataon lang at baka sabungero din ito.
"300," nagdadalawang isip niyang tugon.
"Ang oras mo?" anito.
"Nako, sir. Huwag po kayong mang-good time dito. Wala po akong panahon para sa inyo. Marami pa ang nakapila. Next!" mataray niyang sabi.
"No. No. Wait. Please! Pakinggan mo muna ako. Maari ba tayong mag-usap," anito. Confirmed. Sinusundan nga siya nito. Bigla tuloy siyang kinabahan ng hindi mawari.
"Ano ba 'yan kung may away kayo ng shota mo Miss, mamaya nyo na 'yan pag-usapan. Nakakaisorbo kayo sa pila, e."
Tinignan niya ang gwapong muka ng lalaki bago napatingin sa nasa likod nitong nagsalita. Isa itong mataba at butshog ang tiyan na halatadong addict sa sabong.
"Oo nga naman, nakakamalas 'yang ganyan," sigunda pa ng iba.
Napairap tuloy siya sa lalaki. "Sige, mamaya lang Umalis ka na sa pila kung hindi ka naman papasok, baka malintikan pa ako nito dahil sa'yo," naiinis niyang pagpayag ngunit sabi niya lang 'yon para umalis ito sa pila.
Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng lalaki. Inabot nito ang malutong na isang libo para pambayad. Kinuha niya naman 'yon at magkasabay na iniabot pabalik ang barya at ticket nito. Nang muli niya itong tingan ay gusto niyang magsisi dahil naasiwa siya sa pagtitig nito sa kaniya para itong nakakaloko.
"See you later, my queen of hearts," anito na kinailing niya.
May saltik nga talaga ito at mukang sugarol pa base na lang sa pagtawag nito sa kaniya.
Nungkang sisiputin niya ito, baka ano pang gawin nito sa kaniya. Kahit gwapo naman ito hindi pa naman siya desperado at nababaliw.