KABANATA 17

3453 Words
Naisip ko na wala rin naman akong magagawa kung patuloy akong lalaban kay Greyson. Hindi ko man aminin sarili ko pero alam ko na hindi ko mapipigilan ang katawan ko na kumilos sa kanya. Niloloko lamang ako ng isip ko pero hindi ng nararamdaman ko. On the second day in school, inulan ako ng tanong nila Brenda at iba pang teacher na kasamahan ko patungkol sa pagkakabingwit ko raw sa isa sa mga Esteban. Sa isip ko, isda ba si Greyson para mabingwit ko? Natatawa na lang ako at hindi ako naglabas ng ibang detalye dahil ayoko rin na pagchismisan pa nila iyon. Sinabi ko na lang na asawa ko si Greyson. Wala din naman akong choice kung hindi sabihin dahil nakita nila ang wedding ring ko. Greyson gave me another phone. A pink one. He always calls or texts me to pick me up.. At araw-araw rin niyang tinitignan ang phone ko tila ba chine-check kung may ibang nagte-text sa akin. In a month as a couple, natatanggap ko na rin ang ugali ni Greyson habang tumatagal. Wala na akong magagawa kundi ang sumunod sa agos dahil alam ko na magiging maayos naman ang pamumuhay ko sa araw-araw. He can buy everything I need, but not the expensive one. Katulad lang ng food, gamit sa school, at marami pang pangangailangan bilang babae. At hindi rin nababawasan ang pera kong naiipon dahil libre na ako sa pamasahe, tapos ay nagbabaon na lang ako ng pagkain sa school. Weekends, walang pasok sa school at nagawa ko na rin ang lesson plan ko habang tulog si Greyson at hindi nangungulit. Balak ko sanang maglinis ng bahay kaya nagpalit ako ng sando at short para maayos akong makakilos. "Let's go to the gym, baby?" Napaidtad ako mula sa paghuhugas ng pinggan ng yumakap sa akin si Greyson at hinalikan ang balikat ko habang ginigitgit ako sa lababo. Naiilang ako dahil naka-boxer lang siya at shirtless pa. Akala ko ay matatagalan itong bumangon kaya nga inagahan ko ang gising pero tila nagkamali ako. Kakaumpisahan ko palang maglinis, guguluhin na agad ako nito. "I-ikaw na lang.." nauutal kong sabi habang panay ang ilag ng balikat ko sa labi niya. "Mamaya mo na gawin 'yan, let's gym together." "Greyson!" suway ko at agad akong naghugas ng kamay dahil hindi na ako mapalagay ng pinasok niya ang isang kamay sa short at panty ko, kaya naiipit ng hita ko ang kamay niyang nakahawak sa pribadong parte ng katawan ko. Tapos ang isang kamay niya ay pumipisil na sa dibdib ko. Agad kong hinawakan ang mga kamay niya at inalis. Umalis ako sa harap ng lababo at sa harap niya. "Saglit, magbibihis lang ako." Umirap ako na kinangisi niya. Iniwanan ko na siya doon at napapabuntonghininga ako na tinungo ang closet. Hindi ko alam kung kailan ako makakapagpahinga. Napakahilig niya at walang araw na hindi siya nangangalabit. Gumagawa na lang ako ng paraan para matigil siya. Akala ko ang pagsunod sa gusto niya ay ang ikapapahinga ng katawan ko, hindi rin pala. Dahil sumunod o hindi ay gagalawin pa rin niya ako at hindi ko naman mapigilan na hindi tumanggi. "Choose the jogging pants and jacket. 'Wag na 'wag kang magsusuot ng maikli dahil baka masilipan ka doon." Nagulat pa ako ng bigla siyang magsalita. Tumabi syya sa akin para kunin din ang isusuot niya. "Ano ba!" agad akong napatalikod dahil walang pasabi na hinubad niya ang boxer niya. "Para naman hindi mo pa nakikita at nahawakan ito." humalakhak siya kaya tila nag-init ang pisngi ko. Agad na akong lumabas ng walk-in closet habang bitbit ang damit na isusuot ko. Sa banyo ako nagbihis at napatingin ako sa mukha ko habang iniipitan ang buhok ko na pa-messy buns. Walang kabuhay buhay ang mukha ko at maputla. Tumingin ako sa pinto bago napatingin sa taas kung saan ko nilagay ang nabili ko kay Blenda na make-up. Nag-shade ako ng kilay at lahat naman ng tinda ni Blenda ay may pangalan ng sikat na brand kaya tested na siya na maayos at hindi peke. Kinuha ko ang lip tint at naglagay ako sa labi. Powder, eye liner, at lip tint lang ang nilagay ko mukha ko dahil baka mahalata pa nyya na naglalagay ako ng kolorete sa mukha. Nang ayos na ay napangiti ako. Tinignan ko ang side ng mukha ko at masasabi ko na may ganda din pala ako. Hindi ko kasi masabing maganda ako. Siguro dahil nakukumpara ko ang sarili ko sa mga pinsan ni Greyson. Ang gaganda nila kaya bagsak na agad ang tiwala ko sa sarili ko. Minsan nahihiya na lang ako kapag kasama si Greyson. Lalo na kapag pinagtitinginan kami ng mga tao. Iniisip siguro nila na mukha akong alalay ni Greyson. Napakuno't ang noo niya ng makalabas ako ng banyo habang siya ay nakaupo sa sofa at hinihintay na pala ako. Nakabukaka siya ng upo at nakapatong ang isang braso niya sa back rest ng sofa namin. Nakasuot siya ng white sando, grey cotton short---'yung may tali na puti sa garter no'n, at suot din niya 'yung white rubber shoes niya. Kitang-kita ang muscle niya sa braso at tattoo dahil sa suot niyang sando, habang ang binti nyya na mahahaba ay kitang-kita rin na mabalahibo. Agad akong umiwas ng tingin at nagmadaling tinungo muli ang closet para kunin ang gym bag niya. Nakita kong naayos na niya kaya kumuha ako ng bimpo at sinasaksak doon. Ayokong mahalata niya na naglagay ako ng kolorete sa mukha, kaya agad akong umiwas sa kanya. Huminga ako ng malalim at binitbit ang gym bag na may kabigatan. Paglabas ko ng closet ay agad akong lumapit sa kanya. Tumayo siya at kinuha sa akin ang gym bag. Tinitignan niya ang mukha ko kaya panay ang yuko ko. "Tara na." aya ko. Agad akong tumalikod para maunang maglakad pero napapikit ako ng hawakan niya ako sa hood ng jacket ko para bumalik sa pwestong kinatatayuan ko. "Bakit?" tanong ko habang pilit kong umiiwas ng may mapansin siya na nilagay ko sa mukha ko. Hinapit niya ako sa baywang at nanlaki na lang ang mata ko ng sakupin niya ang labi ko ng halik. Para siyang gutom na gutom sa paglamon sa labi ko kaya napahawak ako sa braso niya habang para akong mauubusan ng hininga. At nabahala ako na mabubura ang lip tint na nilagay ko kaya tinulak ko siya. "You put something on your lips, ha?" aniya at matalim akong tinignan. Nakita ko ang labi niyang mas pumula dahil tila sa kanya napunta ang lip tint na pinahid ko. Kinapa ko ang labi ko at wala ng bakas ng lip tint. "You don't need to color your face. For me, you are beautiful without make-up." aniya at binitbit ng isang kamay niya ang gym bag bago hinawakan ang kamay ko ng mahigpit at hinila na ako. Napatitig ako sa likod niya habang hila-hila niya ako at hawak niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya. Maganda ba ako kapag wala akong make-up? O gusto niya lang na wala akong make-up dahil ang pangit ko kapag meron no'n? Nasa tabi-tabi lang pala ang gym na pupuntahan namin. Malaki at tila mga mamahalin ang gamit na pang gym rito sa gym building sa baba lang ng penthouse. Meron ring nag-g-gym nung pumasok kami. May lalake at babae. Napatingin sa amin ang mga iyon kaya nahiya ako. "Master GM, welcome again. It's been a long time." May lumapit na maputi tila foreigner na malaki rin ang katawan. "Stop. And please, don't talk to me while my wife is here." Salubong ang kilay ni Greyson kaya umiwas ako ng titig sa foreigner. Hinila na niya ako at hindi na nakapagsalita 'yung foreigner ng pigilan siya ni Greyson. "What do you like to try first?" patungkol niya sa mga gym equipment. Nilapag niya ang gym bag sa sahig at nag-unat ng braso. "Hmmm.." tumingin ako sa mga gym equipment at agad akong lumapit sa may upuan, "Anong tawag rito?" tanong ko sa kanya at hinawakan ang nasa harap ko. "Peck deck machine... But you should strength your muscle first before you start in peck deck." aniya. Kaya tumayo ako at ginaya ko siya sa ginagawa niya na kinangiti niya. Ngayon lang ako mag-g-gym kaya susulitin ko na para gumanda ang katawan ko. Kahit doon man lang ay may gumanda sa akin. Pagkatapos naming magbanat ng buto ay nagtungo siya incline bench press, sabi niya. Nahiga siya sa mahabang bench at napahawak ako sa bibig ko ng hawakan niya ang isang barbel. Tantya ko ay sobrang bigat no'n kaya kapag nabitawan niya ay tiyak na mababagsakan ang mukha niya. Kinabahan naman ako at pinanood siya. Napanganga ako dahil kaya niyang buhatin iyon. Napalunok ako dahil mas nagre-reflect ang muscle niya sa braso at mga galit na galit agad iyon. Nang makita kong kaya naman niya ay umiwas na ako ng tingin sa kanya at baka may makakita pa na nakanganga ako habang pinapanood siya. Excited na pinag-aralan ko kung paano gamit itong peck deck. Ito 'yung nakikita ko sa palabas sa t.v. Hinawakan ko ang hawakan sa ulunan ko at nang batakin ko para mag-close ay nalaman ko na kung paano gamitin. Kaya sumandal pa ako sa upuan, umayos ako ng upo, at huminga ako ng malalim bago hinatak ang hawak ko para magdikit, at hindi siya madali dahil nangangawit agad ang muscle ko sa paghatak. Napabuga pa ako ng hangin dahil parang susuko agad ako. Pero hindi, kung gusto kong maging sexy ay kailangan kong pagtiisan ito. Ilang minuto palang ay nanghihina na ang braso ko at pinagpapawisan na ako. Napatingin ako kay Greyson na pawisan na rin pero hindi sumusuko at parang easy lang sa kanya ang pagbuhat ng barbel. Sumuko na ako sa peck deck at umalis na ako doon. Naupo ako sa tabi ng gym bag at binuksan ko ang gym bag. Mabuti at may dala siyang tubig. Uminom ako dahil nauuhaw agad ako. Tumingin pa ako sa ibang gym equipment at napatingin ako sa machine na 'yung nakatayo ka habang parang nag-ja-jogging ka habang gamit iyon. "Greyson, anong tawag doon sa equipment na iyon?" Tinigil niya ang pagbubuhat ng barbel at naupo siya. Sinenyasan niya ako na lumapit at dalhin ang tubig at bimpo, kaya lumapit ako sa kanya habang bitbit ang tubig at bimpo. Hinawakan niya ako sa baywang ng makalapit ako at tila nag-init ang pisngi ko ng hilahin niya ako paupo sa hita niya. "'Yun ba? Treadmill 'yon." tugon niya at kinuha sa akin ang tubig, "Punasan mo ako." utos niya kaya naiilang man ay pinunasan ko ang pawisan niyang mukha. Hindi nakakabawas ang pawisan niyang mukha sa kakisigan niya. Uminom siya kaya leeg naman niya ang pinunasan ko. "Gagamit ako no'n. Pa'no ba gamitin 'yon?" Tumigil siya sa pag-inom at sinara ang takip ng tubig. Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko na hawak ang bimpo tila nais niyang punasan ko pa siya sa mukha kaya ginawa ko. "Later." aniya habang ang dalawang braso na niya ang nakapulupot sa baywang ko kaya masyado kaming dikit. Naiilang akong punasan siya dahil nakatitig siya sa akin at para akong nanlalambot. Kahit pawisan siya ay ang bango pa rin niya. Kaya na-conscious tuloy ako sa amoy ko. "We stay like this..." aniya tila iba ang pinapahiwatig niya. Hindi ang pagpapahinga namin ang tinutukoy niya kundi iba pa at alam ko na tungkol sa pagsasama namin iyon. "Oo naman." nahihiya kong tugon. Napangiti siya at pinigil ang kamay ko sa pagpunas sa mukha niya. Pinahawak niya ako sa leeg niya at napapikit na lang ako ng sakupin niya ang labi ko. Napahigpit ang hawak ko sa bimpo at hindi ko napigilan na mapatugon sa halik niya. Bumibilis ang t***k ng puso ko at para akong nanghihina sa klase ng pag-angkin niya sa labi ko. Ramdam ko ang dibdib niya sa dibdib ko habang hapit-hapit niya ako sa baywang. Nang magbitaw kami ng labi ay napangiti siya at tumingin sa mga mata ko na may saya. Nahihiya ako dahil tila alam niyang nagugustuhan ko na rin ang mga halik niya. Napasubsob tuloy ako sa leeg niya kaya natawa siya. Napatunghay ako ng maramdaman ko na umangat ako sa ere. Binuhat niya ako at lumapit kami sa treadmill na gusto kong subukan. "Put your hand here." turo niya sa hawakan kaya tumango ako at humawak doon, "And this is the button. If you want slow, mild, and fast, just press it. But for you I choose the slow button." Napanguso ako kaya ngumisi siya dahil kahit wala akong alam sa treadmill ay hindi naman ako tanga para hindi malaman ang ibig niyang sabihin. Parang naglalakad lang ako habang ginagamit iyon. "Sige na, ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo." taboy ko sa kanya dahil nais kong subukan ang fast. "Okay, but don't press the fast button, baby." banta niya tila nababasa niya ang naiisip ko. Kaya tumawa ako ng peke para hindi siya makahalata.. "Hindi nga, sige na." taboy ko muli. Napipilitan siyang umalis at bumalik sa pag-g-gym niya. Nakita ko ang stop button kaya pinindot ko iyon. Lumingon ako kay Greyson at busy na siya. I felt like a fool while smiling and looking at the fast button. Hmm, I'll try the mild button first. Let's see if this is okay. Okay naman pala siya at mabilis rin kaya nagpatagal ako sa mild na takbo ng treadmill. Nakikita ko na marami ring nababawas na pounds sa akin. Ang sarap pala gamitin ito. Hindi siya mahirap at siguradong pagpapawisan ka pa rin. Nang mabagot na ako sa andar niya ay pinindot ko ang fast, pero kinabahan ako ng bumilis ang naapakan ko. Kaya napatili ako at napahawak ng mahigpit sa hawakan habang pilit na inaabot ang stop button. Hindi ko na kaya ang bilis kaya mapapabitaw sana ako ng huminto ang inaapakan ko. Namumutla na napatingin ako kay Greyson na napapatiim-bagang. "What I told you, ha? Hard headed girl!" Galit siya, ramdam ko. Nanginginig ang tuhod ko dahil sa kaba dahil sa treadmill. Kung hindi niya napindot ay baka napasubsob na ako sa sahig ng treadmill o worst pa. "Sorry." mahina kong sabi. "Tsk." Hinila niya ako paalis doon sa treadmill. Naupo kami sa tabi ng gym bag. Nagpupunas siya ng pawis habang gigil na gigil. "Damn it, paano kung nasaktan ka? Aist!" Hindi ko alam ang gagawin ko para mapakalma siya, dahil talagang gigil na gigil siya sa akin dahil sa nangyari. "Tinesting ko lang naman." Matalim siyang tumingin sa akin dahil sa sinabi ko, kaya napaiwas ako ng tingin at napakagat ng labi. "Testing? Alam mo ba ang ginawa mo? Ano, tetestingin mo pa rin? Halos manginig ka na nga d'yan." Napanguso ako dahil tama siya. Pero ano bang masama sa ginawa ko? Trying or practice makes you perfect nga, e, 'di ba? "Sige na, slow na gagamitin ko." Gusto ko ulit subukan dahil na-e-enganyo ako. Pero tila hindi siya sang-ayon dahil sumalubong ang kilay niya. "Are you trying to seduce me?" Gulat na napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "What? Seduce? Hindi noh." "Really?" ngumisi siya at dinilaan ang labi niya habang nakatitig sa akin. "Ewan ko sa 'yo, basta gagamit ako ulit. Hmp!" Tumayo na ako at lumapit muli sa treadmill. Pinindot ko lang ang slow para naman hindi na maulit muli 'yung nangyari. Pero biglang akong napalingon sa likod ko ng maramdaman ko siya na sumakay rin. Pinindot niya ang stop kaya huminto ang treadmill. "Bakit ba?" pipindutin ko sana muli ang slow ngunit natigilan ako ng may malamig na bagay na sinuot siya sa leeg ko. Napababa ako ng tingin sa leeg ko at napahawak ako sa isang kwintas. Isang heart shape ruler necklace. Napamaang ako dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganitong necklace. It's like a medida waist ruler but shape in heart. "This is my heart says to you. And this is a symbol of the king love his woman. I'm the king and you are my woman. A queen and to be a mother of my child." aniya. "Ruler?" "Yes. You see this number, 9 and 2?" Tumango ako sa tinuro niya. Anong meron sa 9 at 2? "This 9 is my birthday." Napamaang ako at may napagtanto kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin tila hinihintay na sabihin ko ang naiisip ko. "Wag mong sabihin na ang 2 ay 'yung date ng birthday ko?" Natawa siya at tumango kaya napasinghap ako. "Exactly! This is my birthday and this is yours. We are both Leo." Hindi ako makapaniwala na pareho kami ng month at zodiac sign. At hindi ko alam na alam niya pala ang birthday ko. "Nagustuhan mo ba?" ngumiti siya kaya tumango ako. "Thank you rito." tumingin ako muli sa necklace. Hindi lang anklet ang meron ako ngayon sa katawan ko, maging itong necklace. "Kapag nasira ang ruler na suot mo, it means my heart ripped into two." Napatingin ako sa kanya at tuluyang humarap sa kanya. Nakatingin siya sa akin tila hindi siya nagbibiro sa sinabi niya. "A-ano bang pinagsasabi mo?" "Nothing. Take care that necklace, or else you're dead." Napangiti ako at tumango bago ipasok sa damit ko iyon. Hinayaan niya muli akong gumamit ng treadmill at mangako ako sa kanya na slow na ang gagamitin ko. Hindi ko mapigilan na gumaang ang pakiramdam ko. Alam ko ang gulo ng isip at damdamin ko, pero hindi rin naman masama na bigyan ko pa ng isang chance si Greyson para mas kilalanin pa siya. Tutal, wala rin naman magagawa ang pagpalag ko kung ako lang din ang palaging talo. Pagkatapos namin sa gym ay nag-aya siya na kumain. Sa isang fine dinning restaurant. Lahat ng kumakain ay agad na napatingin sa amin, o mas tamang sabihin kay Greyson. Pero hindi ata napapansin ni Greyson iyon dahil tuloy-tuloy siya sa paglalakad habang hila-hila ako at hawak sa kamay. Nakikita ko sa mga mata ng mga babae ang pagkamangha habang nakatingin kay Greyson. Para bang hangin na naman ako na hindi napapansin. Doon kami sa lamesa na may upuang couch. Pang-apatan siya pero doon ang gusto niya kaya doon kami. Magkatabi kami at agad na gumapang ang kamay niya sa likod ko patungo sa baywang ko para ilingkis ang kamay niya. "Good day, Sir, Ma'am. Here's your menu." ani ng waitres. "No need. 'Yung order ko palagi ang igayak niyo." "Okay, Sir." Tila kabisado ni Greyson ang menu rito sa restaurant dahil hindi na niya tinignan ang menu na inaalok ng waitres. Saka sabi niya 'yun ang palagi niyang ino-order, e. "Wait me here. Wash room." Tumango ako sa pagpapaalam niya. Tumayo na siya kaya sinundan ko siya ng tingin. Kita ko rin ang pagsunod ng tingin ng mga babae sa kanya. Agaw pansin talaga siya. Lalo't ang hot niya sa ayos niya. Nagpalit na siya ng damit na white shirt pero hapit na hapit sa kanya kaya bakat ang maganda niyang katawan. Napahawak ako sa necklace at napangiti ako dahil ang ganda niya talaga at unique. Hindi ko akalain na maiisipan pa akong bigyan ni Greyson ng ganito na may meaning. Pagkaraan ay dumating din agad ang order namin kaya napatingin ako sa gawing tinahak ni Greyson dahil ang tagal niya. Kung puntahan ko na kaya siya? Tutal ay gagamit rin sana ako. Kaso, sino ang magbabantay ng lamesa namin at gamit? Napatingin ako sa waitres at sinenyasan ito kaya agad na lumapit ito. "Yes, Ma'am?" "Ah, p'wede bang pakibantay saglit itong lamesa namin? Pupuntahan ko lang ang kasama ko sa banyo dahil baka napano na iyon." "Sige po, Ma'am." Ngumiti ako rito at nagpasalamat. Tumayo na ako at tinungo ang daang tinahak ni Greyson. Hinanap ko ang C.R ng lalake at nakita ko kaagad, kaya lumakad ako patungo doon. Nakarinig ako ng kalabog mula sa C.R kaya agad akong nagmadaling sumilip kahit na nahihiya ako dahil baka may gumagamit na lalake. Pero ang kinagulat ko ay ang makita ang pagbubuno ng dalawa. Si Greyson at Lincoln! "f**k you! You can't have her!" galit na galit at mariing sabi ni Greyson. Kita ko ang masamang tinginan nila sa isa't-isa habang kinukwelyuhan ni Greyson si Lincol at nakapako sa pader si Lincoln. Ngumisi si Lincoln tila sinusura si Greyson. "Greyson.. Lincoln.." Pareho silang napatingin sa akin. Agad na binitawan ni Greyson si Lincoln pero binigyan niya ito ng isang malakas na suntok sa pisngi na kinatumba nito. "No one can take her away from me, even you, Lincoln." Naguguluhan ako kung bakit sila nag-aaway? At sino ba ang pinag-aawayan nila? Hinila na ako ni Greyson at ramdam ko ang panginginig ng kalamnan niya dahil sa pagkakahawak niya sa akin. Napatingin ako sa mukha niya at umiigting ang panga niya tila sobra-sobra talaga ang galit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD