KABANATA 15

3389 Words
Sakit agad ang naramdaman ko ng mamulat ang inaantok kong mga mata ng magising ako. Ramdam ko ang sakit sa paa ko at maging ang pagkabugbog ng katawan ko. Nang maalala ko ang nangyari kung bakit ganitong kasakit ng katawan ko ay bigla akong namula. Napasinghap ako at napakuyom ng kamay habang nakahawak sa kumot ng maramdaman ko ang paggalaw ni Greyson na hanggang ngayon ay nakayakap sa akin mula sa likod ko habang ramdam ko ang mabalbon niyang binti na dumidikit sa binti ko na parang hindi ako hinahayaang makabangon man lang sa pamamagitan no'n. "You're still hurt?" bulong niya sa tenga ko habang pinipisil pisil ang tagiliran ng baywang ko at hinalikan ang balikat ko. Pinilit kong umiwas ngunit mas niyakap niya lang ako habang pareho kaming nasa ilalim ng kumot na siyang tumatakip sa kahubaran namin. "Anyway, I have a good news for you, baby." aniya at naramdaman ko ang saglit niyang pag-alis ng yakap. At nang makuha nyay siguro ay hinarap niya sa akin ang isang brown envelop, "This is the result of your board exam. And the good news is...you are passed! It's great right?" dagdag niya at hinawi ang buhok ko at inipit sa tenga ko. Pumikit ako. Masaya ako dahil nakapasa pala ako, pero ang lungkot, pagkabigo, at takot ay nanaig sa akin para kay Greyson. Nalulungkot dahil may nangyari sa amin. Paano kung ginagamit niya lang ako? Paano kung mabigo ako kung umasa ako sa kanya, tapos sila pala ni Cora. At natatakot na maiwan mag-isa, masayang ang pag-aaral kung dahil dito sa nangyari sa amin ay magbunga. Wala pa naman siyang ginamit na proteksyon. Aakuin niya ba kung mabuntis ako? Paano kung hindi? "Being a good and understanding boyfriend, I let you to continue your field.. Pero syempre, kailangan pa rin kitang bantayan dahil baka magtaksil ka na naman na hindi ko pinapahintulutan na gawin mo.." aniya at hinalikan ang tenga ko kaya napadilat ako. Balak ko sanang bulyawan siya ng may umalingawngaw na isang tunog na nanggagaling sa phone niya na nasa side table. Inabot niya iyon at tinignan. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ko at hinarap sa akin ang phone niya. "This is all my admirer but no one can captured my eyes and mind." aniya habang ini-scroll ang mga text sa kanya ng mga admirers daw niya. Nakita ko na hindi mga naka-save ang mga number dahil walang mga pagkakakilanlan. Nakita ko ang nag-text sa kanya at pakiramdam ko ay si Cora iyon. "I need to go back in company. Kailangan kong tapusin ang meeting. Kaya saglit lang ako, ha?" aniya sa tonong nagpapaalam pa. Pumikit ako ng halikan niya ng mariin ang pisngi ko at bumangon na siya. Narinig ko ang papalayo niyang yapak kaya doon ako nagsimulang humagulgol ng tahimik. Napadilat ako at napatingin sa phone niya na iniwan niya sa tabi ko. Lumingon ako sa gawing banyo at narinig ko ang pagbuhos ng tubig. Napatingin ako sa phone niya at hinawakan ito. Nakita ko na bago lang na wallpaper kung saan ay magkatabi kami matapos naming magtalik. Tulog na tulog ako nito habang nakahalik siya sa pisngi ko ng kuhanan niya kami ng litrato. Namula ako sa kahihiyan. Nakakahiya! Nagawa pa niya ako kuhanan matapod niya ako hindi tantanan! Pinindot ko ang nag-text at nakita ko na si Cora nga iyon. Cora: Greyson, where are you? You need to be here right now. Hindi lang iyon ang text niya kundi marami pa pero merong nakapukaw sa akin na text niya. Cora: I like you, please, stop chasing that ugly girl. I know you like me too. I give you everything, even my body. Hindi ako makapaniwala na masyadong desperada ang Cora na iyon. Akala ko na mahiyain at walang kamalditahan, pero nagkakamali pala ako. Pero hindi ako nagkakamali ng kutob na may gusto siya kay Greyson. Tapos nilait pa ako. Walang naging sagot si Greyson kahit sa isa sa mga text ni Cora. Maging sa iba pang nag-t-text na nagpapahiwatig ng pagkagusto sa kanya ay wala siyang naging sagot. Nilapag ko na ang phone sa side table at natulala ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero naisip ko na tutal ay nakapasa na ako sa exam, aalis na ako rito sa pampanga. Sa bulacan na lang ako pupuntahan upang makapagturo na sa Angel's Foundation. Kung may mabuo man sa nangyari, gagawin ko lahat para alagaan ang bata. Kung tatanggapin ako ni Greyson, edi masaya... Pero kung hindi, tatanggapin ko pa rin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang amoy niya agad ang umalingasaw sa buong paligid. Napaka-manly ng amoy at nakakahalina. Hindi ko siya nilingunan at narinig ko muli ang paglayo ng yapak niya. Sinubukan kong bumangon pero napangiwi ako dahil masakit ang paa ko tila namamaga na ang pagka-sprain ng paa ko, isabay pa ang p********e ko na mahapdi. Napahinga ako ng malalim at napakapit sa kumot na tumatakip sa katawan ko. Hindi ko magawang makabangon kaya napadapa ako sa kama at pumikit. Narinig ko ang yapak nyya kaya mas pumikit ako ng mariin at napahawak sa unan. "Baby, saglit lang ako kaya magpahinga ka muna lalo't alam kong pagod ka." Naramdaman ko siya sa likod ko at hinaplos niya ang buhok ko bago ko naramdaman ang labi niya sa ulo ko at sa pisngi ko na humalik. Hindi ko siya sinagot. Mabuti ng umalis siya para makaalis ako. Sana magtagal siya para hindi na niya ako maabutan. Kapag naiisip ko na ginagawa niya lang ito para maghiganti sa akin, hindi ko na kaya pang manatili. Napakislot ako ng bumaba ang halik niya sa leeg ko. Kinikilabutan ako sa pagsipsip niya sa balat ko patungo sa batok ko. "Damn, I want to stay but I need to go." bulong niya at hinalikan naman ang balikat kong expose at ang likod ko, "Wag munang tangkain na umalis rito, dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. This is my last warning, baby. This is the last." aniya pa at umalis na siya sa pagkakadagan sa likod ko at pinisil niya pa ang pang-upo ko. Nainis at natakot ako sa banta niya ng makaalis siya. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagbabanta niya tila ba totoo. If I know, sinasabi niya lang iyon para isipin ko na baliw na baliw siya sa akin. Pero ang totoo, hindi. Hula ko baka makipagkita siya kay Cora. Tapos sila naman ang magtatalik. Nakakainis ang naiisip ko! Ang maisip na pagkatapos niya sa akin, kay Cora naman ay napakasakit. Pero hindi. Hindi pupwede na ganituhin niya ako. Hindi ako katulad ng ibang babae na iiyak na lang at magiging martir. Bumangon ako kahit sobrang sakit ng katawan ko. Napapangiwi ako kapag inaapak ko ang paa ko sa sahig. Hindi ko rin mapigilan na matulala lalo ng makita ang bakas ng dugo sa kumot, hudyat ng pagkasira ng p********e ko. Napapikit ako tuwing maalala kung paano niya ako inangkin ng paulit ulit na walang kapaguran. Napatingin ako sa pulso ko at kita ko ang bakas ng posas na siya namang inalis niya ng masiguro na nakatulog na ako. Meron rin akong pasa sa singit at hita ko. At napapikit ako dahil puro kiss mark ang katawan ko. Hay*p na lalake. Kung mahal niya lang talaga ako ay ibibigay ko sa kanya ang sarili ko na walang pag-aalinlangan at hindi na niya kailangan na panggigilan ako, pero hindi niya ako mahal. Alam ko naghihiganti lang siya. Lalo na ngayon nagkita kami at may nangyari. Lumakad ako patungo ng banyo at tulalang nagbabad sa shower. Medyo naginhawaan ako at nakaramdam ng paggaan ng dibdib. Saglit lang ako gumamit ng shower dahil mahirap sa lagay ko ang kumilos. Naghanap ako ng maaaring isuot na damit ni Greyson at nakakita ako ng itim na loose shirt at 'yung panjama niyang may tatak ng Esteban. Wala akong maisuot na panloob dahil marumi na rin ang suot-suot ko kasama ng marumi kong uniform ng company. Ayos lang din na wala dahil hindi naman halata dahil makapal ang loose shirt at panjama. Bitbit ko ang envelope na naglalaman ng result ng board exam ko at tinungo ang pinto para umalis. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang katao-tao akong nakita. "Miss, ayos ka lang?" May isang delivery man na nakakita sa akin na galing ata rito sa malapit sa pent house ni Greyson. Kakatapos niya lang ata na mag-deliver. "Manong, tulungan niyo po ako. P'wede niyo po ba akong dalhin sa Dream heights village?" "O, sige ba, pero bakit parang maga ang paa mo?" "Wala po, natapilok lang po, kaya namamaga na po." Tumango siya at inalalayan ako kaya nagpasalamat ako. Dala niya ang delivery motor niya kaya patagilid akong sumakay dahil hindi ko kayang iapak ang isa kong paa. Nang umalis na kami sa harap ng penthouse ni Greyson ay para akong nakahinga ng maluwag. Kailangan ko ng tulong ni Nika, at alam ko na siya lang ang makakatulungan sa akin. Pagdating doon ay nagpababa na lang ako sa harap ng gate kung saan merong gwardya. "Salamat po, Manong. Tatanawin ko po ito ng utang na loob at babawi po ako kapag nagkita muli tayo." "Walang anuman, Hija. Sige, mauna na ako at baka masisante pa ako." Ngumiti ako at tumango sa kanya bago kumaway. Nang makaalis siya ay humarap ako sa gwardya at paika-ika na lumapit. "Ah, p'wede po bang makisuyo? Kaibigan ko po si Nika na nakatira dito sa village. P'wede po bang makisuyo na sabihin na narito po ako." "Anong pangalan mo, Hija?" kinuha niya ang landline phone kaya nakahinga ako ng maluwag na pagbigyan niya ang request ko. "Juliet po." May pinindot siyang mga number habang ako ay napapatingin sa paligid dahil parang may nagmamasid sa akin. Kinakabahan ako dahil baka bigla na lang sumulpot si Greyson, pero niwaksi ko iyon sa isip ko at muling tumingin sa gwardya na tinapat na ang phone sa tenga niya. "Hello, gwardya po rito sa gate. May naghahanap po kay Ma'am Nika. Juliet daw po. O, sige, sige po." Binaba na ni Manong ang phone kaya nag-abang ako ng sasabihin niya. Humarap siya sa akin at lumapit. "Walang kilala na Juliet si Ma'am Nika, kaya makakaalis ka na at bawal ring pumasok ang hindi pinapahintulutan ng amo ko." Pinagtabuyan ako ni Manong kaya wala akong magawa kundi ang umalis. Hindi ko maunawaan kung bakit sinabi ni Nika na hindi niya ako kilala? Ngayon, paano na ako nito? Sino ang hihingan ko ng tulong? Kailangan ko na sumakay sa isang pumpublikong sasakyan dahil hindi ko naman kaya na maglakad sa sitwasyon ko, pero saan ako kukuha ng pambayad? Wala nga akong dala ni kusing. Isang tindahan sa bandang highway ang nakita ko. Kaya pinilit kong makalakad patungo doon. Nakita ko na may landline phone doon kaya nilakasan ko ang loob at kinapalan ko na ang mukha ko. "Ale, p'wede ho bang makitawag kahit saglit lang ho? Kailangan ko ho kasing tawagan ang kaibigan ko para magpasundo." Napalingon ito mula sa ginagawa niya. Lumapit ito sa harap ng tinda niya dahil iyon ang humaharang sa pagitan namin. "Limang piso kada minuto ng tawag, may pambayad ka ba?" Grabe naman 'to! Hindi man lang ako ilibre na lang. Pero sino nga ba kasi ako para makalibre. Kinapa ko ang suot na jogging pants at baka suwertihin ako kung may maiwan na pera si Greyson sa bulsa. May nakapa ako na papel kaya agad kong kinuha iyon. Pagtingin ko ay isang libo. Kung sinuswerte ka nga naman.. Tumingin ako sa ale at pinakita ko ang pambayad ko kaya agad niyang inilapit sa akin ang landline phone. Tsk. Wala na talagang libre sa panahon ngayon. Kaya kapag hindi ka nagtrabaho ay nganga ka. Kahit humihingi ka na ng tulong ay hindi ka pa rin tutulungan o pagbibigyan. Pumindot na ako ng numero sa landline at mabuti na lang dahil kabisado ko pa ang number ni June. Siya na lang siguro ang makakatulong sa akin ngayon. At sana ay matulungan niya ako. (Hello?) Napangiti ako dahil boses agad ni June ang bumungad. "June, si Juliet ito." (Juliet!) Napangiti ako dahil tila masaya siya na malaman na ako ang tumatawag. "June, nakakahiya man, pero p'wede mo ba akong tulungan? Kailangan ko kasi na tulong mo. Narito ako ngayon sa Dream heights village." (Sige, sige, pupuntahan ako d'yan. Wait lang.) "Salamat, June." napangiti ako dahil kahit anong mangyari, si June at si June na bestfriend ko pa rin ang siyang makakatulong sa akin kahit sa problema. Sabagay, friend ko lang naman ni Nika, kaya siguro hindi niya ako tinuturing na kaibigan. Baka nga ay wala na itong pakialam pagkatapos naming grumaduate. "Walang anuman, basta para sa 'yo." aniya kaya na-touch ako. Binaba na namin ang tawag kaya binaba ko ang phone dahil baka lumagpas ng ilang minuto at tiyak na malaki ang babayaran ko. "Ale, limang piso lang ako. Saktong one minute lang." Inabot ko ang isang libo kaya napakamot siya ng ulo. Napangiti naman ako dahil ubos ata ang barya niya sa akin. Siya kasi, ayaw pang hayaan ang limang pisong iyon. Pagkabigay ng suki ay binilang ko at sakto naman. Tinignan ko ang paninda niyang ulam dahil gutom na gutom na ako. "Ale, pa-order ako nitong adobo niyo with extra rice." "Sige, maupo ka na d'yan, hija." Naupo na nga ako sa bangkong upuan. Agad ring na-serve ang pagkain ko at dahil sa gutom ko kaya agad kong nilantakan habang wala pa si June. Kahit naman minsan na wala akong ka-pera pera ay nakakautang ako kela Aling Rose, kaya hindi naman ako nagugutom ng ganito, pero ngayon lang talaga ako nagutom ng ganito at kasalanan iyon ni Greyson. Hindi man lang ako pinakain pagkadating namin sa penthouse niya. Deretso talik agad. Kumusta na kaya sila Aling Rose? Tagal ko ng hindi sila nabibisita. "Magkano ho rito?" tanong ko sa ale na kakatapos lang na hugasan ang ilang pinggan. "Singkwenta lang, hija." Kaya naman kumuha ako ng buong si singkwenta at inabot sa kanya. Umiinom ako ng tubig pero napalingon ako ng may humintong pamilyar na kotse sa tindahan kaya naibaba ko agad ang baso at umalis sa upuan. "Juliet!" "June!" napangiti ako dahil mabuti at nakarating siya agad. Lumapit siya sa akin at napatingin sa paa ko at sa ayos ko. "Anong nangyari sa 'yo?" tanong niya. "Na-sprain ang paa ko at hindi ko pa naipapatingin sa manghihilot kaya namamaga." "Kung gano'n ay tara na, dadalhin kita sa doctor." agad siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa braso para alalayan. "Naku, 'wag na sa doctor at wala akong pambayad doon. Sa manghihilot na lang." Napailing siya at napangiti bago guluhin ang buhok ko. "Ikaw talaga. Alam mo naman na kapag ako ang kasama mo ay hindi mo kailangan isipin ang gastos, sagot ko na." aniya. "Talaga?" tila naman nag-twinkle twinkle ang mata ko sa sinabi nyya. Natawa na lang syay at inalalayan ako palapit sa kotse nyya. Pero napahinto kami sa paglalakad at bigla akong natigilan ng may tatlong kotseng itim na huminto at napalibutan ang sasakyan ni June. Kinabahan ako at napakapit kay June ng bumaba sa unahang sasakyan si Greyson na may madilim na mukha. "J-June.." bulong ko at napakapit sa braso niya. Agad na nakalapit sa amin si Greyson at hinatak nyya ako palayo kay June bago ko makita ang pagbagsak ni June sa lupa dahil sinuntok niya ito. "Tama na! Wala siyang kasalanan!" Kahit masakit ang paa ko ay pinilit kong humarang kay June na hawak-hawak ng mga kasamang tauhan ni Greyson. Napapikit ako dahil balak sanang atakihin ng suntok ni Greyson si June kaya kung sakali ay ako ang matatamaan niya. "You are f*****g dead, Baby." aniya kaya napadilat ako. Nakatingin siya sa akin ng matalim at hinila niya ang baywang ko palapit sa kanya bago niya ako pinangko kaya nagpumiglas ako. "Bitawan mo ako! Hindi ako sasama sa 'yo! Demonyo ka!" Naramdaman ko na lang na inupo niya ako sa backseat at sumunod siya na umupo rin. Natigilan ako sa pag-ambang pagbaba sa kabilang pinto ng may nilabas siyang baril na kinatakot ko. "Yes, I'm devil. At sa gagawin ko ay gagamitin ko ang baril na ito para sumunod ka. I don't f*****g care if you love me or not, but I made my decision now." Napaiyak ako ng hilahin niya ako mula sa pagkakahawak niya sa baywang ko palapit sa kanya. Napapikit ako ng halikan niya ako sa noo at naramdaman ko ang pag-andar ng kotse. Hindi ko inaasahan na aabot sa gantong punto ang lahat sa buhay ko. Hindi ko hiniling na magkaroon ng lalake sa buhay ko na nais guluhin ang buhay ko. Pagkababa namin ng sasakyan ay hinila niya ako at sa isang simbahan niya ako dinala. Nung una ay naguguluhan pa ako pero nang lumabas ang pare na may nakasunod na tauhan ni Greyson ay doon ako kinabahan. Nagpumiglas ako pero nang ipakita niya ang hawak na baril niya ay natigilan ako at mas kinabahan sa sitwasyon ko. Nagseremonya ang pare ng mabilisan kagaya ng sinasabi niya kapag may ikinakasal. May papel na pinapirma sa amin bilang katunayan na kasal na kami at wala akong magawa dahil halos matakot na ako sa baril na hawak ni Greyson. "Siguraduhin mong maipapadala mo agad sa akin ang marriage contract namin." Tumango ang pare at wala ring magawa dahil nakapalibot sa kanya ang mga tauhan ni Greyson. "Let's go." Sinuksok niya ang baril sa slacks niya at binuhat niya ako. Natutulala na lang ako habang umiiyak. Para na akong mababaliw sa pinaggagawa niya sa akin. Bakit kailangan niya pa ako takutin? Kung aayusin niya ang proposal ay papayag naman ako magpakasal. Ano ba talaga itong ginagawa niya? Ito ba ang revenge niya? "Boss, saan tayo?" "Sa penthouse." tipid na tugon ni Greyson habang nakapulupot siya sa akin at panay ang hawak sa kamay ko kung saan niya sinuot ang singsing na hindi ko alam na sinuot niya pala. Hindi ko na napansin iyon dahil nga para na lang akong lutang sa lahat ng nangyayari. "You are mine now. My wife. My queen." bulong niya at hinalikan ang ulo ko. Napahikbi ako kaya hinawakan niya ako sa baba pero nagpumiglas ako kaya nabitawan niya ang baba ko, pero mapilit siya at mariing hinawakan ang baba ko, "Don't worry, hahayaan kita na magturo sa Angel's foundation, pero hindi doon sa bulacan. Merong foundation si Mommy rito sa pampanga kaya doon ka para masusundo kita araw-araw." Gusto kong sabihin na ano pang saysay ng buhay ko kung ikukulong niya ako. Parang pakiramdam ko ay hahayaan niya ako sa propesyon ko pero nandoon pa rin siya at kasali. Nakabantay at nakamasid. Sa penthouse niya pa rin ang bagsak ko. Inupo niya ako sa kama kaya napayuko na lang ako. Kinuha niya ang paa kong namamaga at hinilot niya kaya napangiwi ako at nilayo sa kanya. Ramdam ko ang tingin niya at tumayo siya. Tinignan ko siya na nakatalikod sa akin at nakita ko ang pagtapat ng phone niya sa tenga niya. "I need your service. Yes, in my penthouse right now." Nagbaba ako ng tingin ng makita ko na tinapos na niya ang tawag. Lumapit siyang muli sa akin at naupo sa tabi ko. "Papunta na ang doctor rito kaya tumahan ka na. Are you hungry? I cook for you." Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mata niya na may saya. "Hindi ako gutom, kundi galit ako sa 'yo! Napakasama mo! Napakasama mo!" Binayo ko ang dibdib niya at napahagulgol akong muli dahil nailabas ko ang nais kong sabihin sa kanya. Napatigil ako ng hawakan nyya ako sa mukha at sinakop ang labi ko kaya para akong nalulunod sa halik niya. Muntik na akong bumigay pero natauhan ako kaya tinulak ko ang dibdib niya pero niyakap nyya ako habang malagkit na sinisiil ng halik ang labi ko. Pinilit kong umiwas sa labi niya pero hindi ko magawa dahil sabik na sabik niyang inaatake ang labi ko at napahiga ako dahil sa bigat niya. "I don't f*****g care if you are mad at me, because all I care is you--you are my wife now, baby, at wala ka nang magagawa don." aniya ng saglit na bitawan ang labi ko. Hindi pa ako nakaka-recover sa halik niya at hindi pa nagsi-sink in sa isip ko ang sinabi niya ng muli niyang lamunin ang labi ko na sabik na sabik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD