KABANATA 13

3185 Words
Ikinuwento ko sa grupo ni Greyson ang ginawa nito sa mukha ko at tawa sila ng tawa habang si Greyson ay ngumingisi lang. "Hey, guys!" Napatingin kami sa dumating na si Jason, at ang kinagulat ko ay kasama rin pala si Cora na masasabi ko na ang ganda at sexy niya sa ayos at suot niya. Hiyang-hiya tuloy ako sa ayos ko. Kahit gaano kamahal at kaganda ito ay parang ang pangit ko pa rin kumpara sa kanya. Wala pa naman akong make up dahil nga binura ko ang ginawa ni Greyson sa mukha ko. Nagpulbos na lang ako at 'yung lipstick, 'yun lang kasi ang kaya kong gawin. "Oh, upo kayo, Pre." aya ni Jackson at pinaupo sila Jason sa natitirang bakanteng seat. Maganda nga rito sa Rockwell. Parang bar siya pero may malaking stage at hindi siya typical bar na masikip at magulo. Parang mga rich people lang ang narito at walang mga mukhang basag-ulo, pwera sa grupo ni Greyson. "Anong pinagkakatuwaan niyo? Nakita ko na tawa kayo ng tawa?" nakangising tanong ni Jason. "Heto kasing si Boss, minake-up-han si Juliet, nagmukha daw siyang clown. Iniisip tuloy niya na baka bakla si Boss dahil marunong humawak ng make up." si Allan iyon na tawang-tawa akala mo ay hindi maka-move on. Natawa si Jason at binigyan ng mapanuksong tingin si Greyson na nasa tabi ko habang sumisimsim ng alak. "Dati nang nasa showbiz si Greyson, kaya baka nakikita niya ang ginagawa ng make up artist niya." Napatingin ako kay Cora dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ako sa sinabi niyang matagal ng nasa showbiz si Greyson. "Huh? Nag-showbiz si Greyson?" tanong ko kaya ngumiti si Cora at sumulyap sa katabi ko. "Oo, I think seven years old siya no'n hanggang sa teenager siya. Sikat na sikat kaya si Greyson no'n, hindi mo ba alam?" aniya kaya umiling ako at gulat. "Wala naman kasi akong T.V." nahihiya kong sabi sa kanya. "Kaya.." aniya at ngumiti habang pasulyap-sulyap kay Greyson na tahimik na umiinom habang pinaglalaruan ang kamay ko na kanina pa niya hawak, "Ah, Greyson, nagkita na tayo noon sa reality show. Ako 'yung naka-partner mo sa games. I think eleven ka no'n." "Hindi ko na matandaan." tugon ni Greyson. "May picture pa nga tayo together." may kinuha sa pouch niya si Cora at nakita ko ang maliit na litrato tila pinakaiingatan pa niya. Kinuha iyon ni Greyson at tinignan kaya nakitingin ako. "I see.." natawa si Greyson, "I remember.. Nadulas ka no'n dahil sa oil na kumalat sa sahig." "Grabe, 'yun lang ang naalala mo? Hiyang-hiya nga ako noon dahil nakita mo ang panty ko." "Sayang, dapat hindi ka nagpanty, baka nanlalaki ang mata noon ni Boss." sabat ni Arvin. Hindi ako maka-relate sa pinag-uusapan nila at tila nag-e-enjoy naman si Greyson na makausap si Cora tungkol sa nakaraan. Para tuloy akong na-out-of-place kaya puro inom na lang ng juice ang ginawa ko. "Bakit hindi mo tinuloy ang pag-a-artista mo? Sayang, ang dami mo pa namang fans." "Showbiz is not my priority. Let's say, it's just a game na kapag boring na ayoko na." tugon ni Greyson. "Sabagay, mayaman naman kayo, saka sikat ka pa rin naman kahit sa labas ng Esteban University." Ngumiti si Cora habang nakatitig kay Greyson. Napalunok ako at ayoko man na bigyan ng ibang kahulugan iyon pero malakas ang kutob ko at ramdam ko na merong kakaiba sa tingin niya kay Greyson. "Boss, sample naman ng song. Tutal ay first time naman ni Juliet rito at ni Cora. Pakitaan mo sila ng singing talent mo." udyok ni Erickson na kulay gray ang buhok habang may tattoo sa braso na dragon. "Okay." naramdaman ko na tumingin sa akin si Greyson kaya napatingin ako sa kanya mula sa pagtingin sa juice ko, "Listen to my song. This is for you." aniya at ngumiti bago magnakaw ng halik kaya namula ako ng magkantyawan ang grupo niya. Napapangiti siya na tumayo habang ako ay nanlalamig ang dibdib at tiyan ko dahil sa ginawa nyya. Sumipol ang grupo habang nakatingin sa akin ng mapanukso. Ang ilan ay nakangisi habang si Cora ay ngumiti pero tipid. "Swerte mo, special performance ni Boss iyon." bulong ni Allan. "Marunong siyang kumanta? Talaga?" tanong ko. "Oo naman, nagmana kay Tita Maqi. Hindi mo ba alam?" Umiling ako dahil hindi ko alam na singer pala si Ma'am Maqi at maging si Greyson ay marunong kumanta. "Iyon nga ang kinakikiligan ng mga babae noon kay Greyson sa showbiz. Kahit bata palang siya ay ang swabe na ng boses niya at ang lamig na parang maraming emosyon. Sayang lang at hindi na siya nag-aartista. Kung ngayon ay nagpatuloy siya, baka mas sikat na sikat pa siya at baka mas maraming magagandang young actress ang makapareha niya. Gusto ko nga rin na pumasok sa showbiz noon upang makapareha siya pero umalis na siya kaya 'yun." Alam ko naman na panget ako, pero ang magpasaring o magparinig ay parang hindi naman tama iyon. Sabagay, sino ba naman kasi ang maniniwalang seseryosohin ako o magugustuhan ng isang Greyson Martin Esteban? Napahinga ako ng malalim dahil pakiramdam ko ay ang liit-liit ko lalo. Tumingin ako sa barkada ni Greyson. Kahit mukha silang barumbado ay alam ko na may kaya sila sa buhay. Nakakabili ng sariling kotse at nakukuha ang luho kahit pa hindi sila magpakahirap. Napatingin ako kay Cora na nakatingin na sa stage. Sa klase ng pag-upo niya ay para siyang isang lady with class. Ang ganda niya at mayaman rin. Sa katunayan, mas bagay sila ni Greyson kesa sa akin. "This song is for my special girl---my baby." Napa 'Oh!!' ang mga kababaihan at nagbulungan. Siguro ay naiintriga sila kung sino. Napayuko ako habang nahihiya dahil itong unang beses na may kakanta para sa akin. --> This I promise you by Nsync Ohh ohh When the visions around you Bring tears to your eyes And all that surround you Are secrets and lies I'll be your strength I'll give you hope Keeping your faith when it's gone The one you should call Was standing here all along Napatingala ako at napabuka-sara ang bibig ko dahil hindi ko alam kung tama ba na sa kanya nanggagaling ang boses na iyon. Hawak niya ang mic habang nakatingin sa akin ng seryoso at kinakanta iyon ng buong puso. And I will take You in my arms And hold you right where you belong Till the day my life is through This I promise you This I promise you Maraming tao at babae ang nakikinig, napapangiti, at napapatili habang natatapatan ng ilaw si Greyson. Ang masasabe ko lang ay ang gwapo at astig niyang mag-perform. Parang magnet na madidikit talaga ang mata mo para panoorin siya. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang nanunuot sa puso ko ang bawat kanta na kinakanta sa akin ni Greyson. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakatingin sa kanya. I've loved you forever In lifetimes before And I promise you never Will you hurt anymore I give you my word I give you my heart (give you my heart) This is a battle we've won And with this vow Forever has now begun Just close your eyes (close your eyes) Each loving day (each loving day) I know this feeling won't go away (no..) Till the day my life is through This I promise you This I promise you Nawala siya sa paningin ko ng humarang ang mga babae kaya pumikit na lang ako at pinakinggan ang boses niya. Alam ko na mahirap isipin na ang isang katulad niya ay magkakagusto sa akin. Hindi ko alam kung nalason ba siya o may nakain na kakaiba kaya siya nagkagusto sa akin, pero siguro, p'wede rin naman na magustuhan ng kagaya niya ang kagaya ko. Gusto kong tanungin itong puso ko kung bakit ba siya tumitibok ng mabilis? Kung dahil ba iyon kay Greyson? Nagkakagusto na rin ba ako sa kanya? Posible ba? O dahil takot lang ako sa kanya? Over and over I fall (over and over I fall) When I hear you call Without you in my life baby I just wouldn't be living at all And I will take (I will take you in my arms) You in my arms And hold you right where you belong (right where you belong) Till the day my life is through This I promise you baby Napadilat ako ng marinig ang palapit niyang boses. Tumabi ang mga nakaharang kaya nakita ko siya na naglalakad palapit sa lamesa namin habang hawak niya ang mic at kumakanta. Napasipol sila Jason at hinila ako para mapatayo. Kaya sobra-sobra siguro ang pamumula ng mukha ko habang nakatayo ng makaalis ako sa table namin. Napatingin ako sa kanya ng huminto syta sa harapan ko. Nakatitig siya sa akin. Ayan na naman ang tingin niya na parang ako lang ang nakikita niya. Gusto kong tanungin kung totoo ba ang pinapakita niya? Kung talaga bang hindi siya nagkakamali? Ngumiti siya at humawak sa kamay ko ng mahigpit. Hinalikan nyya ang kamay ko at bjnitawan niya rin ito upang takpan ang mata ko kaya hinawi ko ang kamay niya at tinignan siya. Ngumiti siya at hinila ako upang mayakap kaya napalunok ako at nanginginig ang kamay ko na napahawak sa likod niya. Just close your eyes Each loving day (each loving day) I know this feeling won't go away (no..) Every word I say is true This I promise you Every word I say is true This I promise you Ooh, I promise you Sinayaw niya ako ng dahan-dahan habang kinakanta niya ang huling stanza ng kanta. "I promise you that I'm only you." aniya at umalis ng pagkakayakap sa akin bago ako tinignan ng malalim. Napayuko ako dahil para akong natutunaw sa tingin niya at hindi ko makayanan. Hinawakan niya ako sa baba at bago pa ako maka-react ay sinakop na niya ang labi ko kaya napapikit ako at napahawak sa dibdib niya ng hapitin niya ako sa baywang. "Damn! Get a room, lovers!" Bumitaw ako sa labi niya at tinulak siya ng marinig ko ang kantyaw ng grupo niya, pero hinila niya ang batok ko at muli akong siniil ng halik. Napakuyom ako ng kamay at parang nanlalambot ang tuhod ko sa sobrang sabik ng kanyang halik. Bumitaw ako agad ng maubusan ako ng hangin. Napayuko ako dahil ngayon ko lang narinig ang malakas na palakpakan kaya sobra-sobra ang pagkahiya ko at pag-iinit ng pisngi ko. "s**t! Boss, hanga na talaga ako sa 'yo!" Hindi ako makatingin sa grupo niya habang hawak niya ako sa kamay at hinila ako palapit sa table namin. Nakipag-apiran siya kela Jason habang ako ay nahihiya na nginitian lang sila Allan at mga nakangisi. Naupo muli kami sa upuan namin. Inakbayan ako ni Greyson kaya mas napalapit ako sa kanya. Napatingin ako kay Cora na tipid na ngumiti at tahimik lang habang patuloy ang kantyawan ang grupo. "Nagustuhan mo ba ang pagkakanta ko?" bulong na tanong sa akin ni Greyson kaya tumango ako at kinuha ang juice ko. "Napakagaling mo pa rin, Greyson. Napakaganda ng boses mo." Tumingin siya kay Cora na siyang nagsalita at puring-puri si Greyson. "Well, that come from my mom's genes, that's why." nakangising sabi ni Greyson kaya natawa si Cora. Napahinga ako ng malalim at parang bumigat ang hininga ko kaya nilapag ko ang juice sa table. "Greyson, wash room lang.." paalam ko at tumayo na ako. "Wait.." binaba niya ang iniinom kaya nahuluan ko na agad ang gagawin niya. "Hindi na, 'wag mo na akong samahan, kaya ko naman." sabi ko pero tumayo pa rin siya. "No, hindi ka p'wedeng pumunta ng wash room na mag-isa lang. I can't trust anyone here." "Pero ayos nga lang talaga ako at saglit lang ako, okay?" Napaasik siya at matalim akong tinignan, "Okay, but I watching you." banta niya kaya ibig kong mapairap. Kunwari pa siya na hindi kayang magtiwala sa ibang tao rito, 'yun naman pala ay iba ang iniisip. Geez. "Oo.." tumalikod na ako pagkasabi ko no'n. Nilakad ko lang ang deretsong daan kung saan ko nakita ang may sign ng C.R. Marami akong nakakasalubong at meron pang tila couple at naghahalikan pa mismo sa dinadaanan ko. Para akong namula at umiwas ako ng tingin bago nakisingit sa kanila upang makaraan. Nang makita ko na ang banyo ay pumasok na ako at gumamit. Tinignan ko ang ayos ko sa salamin at napahinga na lang ako ng malalim dahil ang pangit ko talaga. "Ano bang nagustuhan mo sa akin? Ang pangit ko kaya." Napatapik ako sa pisngi ko at umiling. Nababaliw na ako. Pati sarili ko ay kinakausap ko na. Napahinga ako ng malalim at umiling. Umalis na nga ako sa harap ng salamin dahil baka may makakita pa at isipin pang siraulo ako. Lumabas ako ng banyo at nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko na makita ang couple na wagas maghalikan. Inayos ko ang manggas ng dress ko at pinagpag ang saya bago napaangat ng tingin ng malaman kong malapit na ako sa table namin. Pero napahinto ako at napatingin kay Greyson at Cora na tila nagkakatuwaan sa kanilang pinag-uusapan. Nakaupo na si Cora sa upuan ko at kita ko ang pag-usod niya p palapit kay Greyson. Parang nagbabara ang lalamunan ko at parang bumigat ang pakiramdam ko. Napaatras ako at napatalikod. Huminga ako ng malalim at lumakad palayo. Napasuntok ako sa dibdib ko dahil parang naninikip ang dibdib ko. Masikip ata ang dress na suot ko. "Ano ba!" "Sorry.." paumanhin ko ng hindi ko namalayan na may nababangga na ako. Yumuko ako at mabilis na lumakad para lumayo, pero napasinghap ako ng may humila sa kamay ko. Tinignan ko ang lalakeng humila sa akin. Naka-white maong jacket, white cap, habang naka-ripped jeans pants, at naka-rubber shoes. Sinilip ko ang mukha nito pero hindi ko makita. Nagpumiglas ako lalo na ng dalhin niya ako sa gilid. "Sino ka ba? Bitawan mo nga ako!" Humarap ito kaya napamaang ako ng makilala ko siya. "Lincoln!" "Ako nga." ngumiti siya. "Anong ginagawa mo rito? Saka, bakit mo ako hinila?" Napatingin ako sa kamay niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya binibitawan. "Juliet, I know this is so fast, but I want to say this to you......" Hinintay ko ang sasabihin niya, nakatingin siya sa akin tila tinitimbang ang sasabihin niya. "I like you.." Natigilan ako sa sinabi niya. Nakatingin ako sa kanya habang napapalunok. Dapat akong matuwa dahil ang prince charming ko ay nagtapat na ng damdamin sa akin, pero bakit parang wala? "L-Lincoln.." "Juliet, from the very first time I saw you, I started to like you.. Since, you are in first year college." Hindi ako makapaniwala sa siniwalat nyya. Ang tagal kong naging crush syya, tapos crush din pala ako ng crush ko matagal na. I can't believe this! I think, I'm dreaming! "Lincoln, ano bang pinagsasabi mo? Baka nalilito o lasing ka ba?" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso kaya napatingin ako doon. "Juliet..." Napatingin akong muli sa kanya at halos manlaki ang mata ko ng ilapit at ibaba niya ang mukha niya palapit sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng lumapat ang labi niya sa labi ko. Ano 'to? Bakit ganito? Totoo ba 'to? Lumayo ang labi niya at tinignan ako. Ngumiti siya habang nakatitig sa akin ang masaya niyang mga mata. "You like me, right?" tanong niya. "Damn you!" Nanigas ako sa kinatatayuan ko at gulat na gulat na napaharap ako sa likod ko. Kitang-kita ko si Greyson na nagdidilim ang mukha habang ilang pulgada ang layo niya sa amin. Nagtungo sa likod niya sila Jason at maging si Cora. "G-Greyson.." Lalapit sana ako ng pigilan ako ni Lincoln at ilagay ako sa likuran niya. Natulala ako at nakaramdam ng takot. "You... Cheater! Damn!" Napapikit ako ng may humagis na lamesa malapit sa amin. Tumigil ang ingay kaya napadilat ako. Nasa amin na nakatuon ang lahat ng atensyon ng tao. Nakita ko ang pagbasag ni Greyson sa mga bote. Napaiyak ako dahil ramdam ko ang galit nyya. Kahit natatakpan ako ni Lincoln ay ramdam ko ang masamang awra niya. "Ginusto mo lang naman siya dahil gusto ko siya, Greyson. Siya ang ginamit mo para makaganti sa akin!" Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Lincoln. Ginusto lang ako ni Greyson dahil gusto ako ni Lincoln? Anong ibig sabihin no'n. "Juliet!" Napaidtad ako sa sigaw ni Greyson. Nanginig ang kamay ko dahil galit na galit ang boses niya. "Come. Here!" sigaw niya na punong-puno ng diin. Napatakip ako ng bibig at humakbang ako pero pinigil ako ni Lincoln at mas nilagay ako sa likod niya. "Hindi siya isang bagay na aangkinin mo kasi gusto ko! Marami d'yan iba, mamili ka na lang." maanghang na sabi ni Lincoln. "Juliet, lumapit ka. Dahil kapag hindi, sisiguraduhin kong magsisisi ka." mariing sabi ni Greyson. Napakapit ako sa jacket ni Lincoln at nanginig ako sa takot dahil sa pagbabanta ni Greyson. "Isa!" Umiling-iling ako. Hindi niya ako sasaktan, alam ko. Pero paano kung mali ako? "Dalawa....tatlo...apat.." Hindi ko na narinig ang pagbibilang ni Greyson. Narinig ko ang pagbagsak ng mga lamesa at ang mga palayong yapak. Parang nanlalamig ang buong katawan ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Don't worry, Juliet, hindi kita pababayaan." Umalis ako sa likod ni Lincoln at tinignan ko sa paligid si Greyson ngunit wala na siya. Napaiyak ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Tumakbo ako para habulin siya, paglabas ko ay nakita ko ang palayo niyang sasakyan. Greyson... "You are dead, Juliet." Naluluhang napatingin ako kela Jason na napailing sa akin bago nagsakayan sa kanilang kotse. Napalunok ako at para akong matutumba sa panghihina ng tuhod ko. "Juliet!" Napapikit ako at napaupo bago ako napasapo sa mukha. Gulong-gulo na ako at hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako? Dapat nga ay masaya ako dahil gusto ako ni Lincoln at tila hinayaan na ako ni Greyson na makalaya. Pero bakit hindi gano'n? Bakit nasasaktan ako habang naiisip na plano lang na gustuhin ako ni Greyson upang makaganti kay Lincoln? Hindi niya ako gusto. Ang lahat ng pinapakita lang ba niya ay puro kasinungalingan? Pero bakit ayokong maniwala? Pakiramdam ko ay gusto niya ako. "Juliet, when I tell you that I like you, that's true. I like you so much. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat kung bakit ka nilalapitan ni Greyson at kung bakit ka niya inaangkin agad. Ginamit ka lang niya para gamitin laban sa akin. He likes Cora, the girl beside him. And I know that because Cora is his childhood sweet heart." Natigilan ako at parang ang paghinga ko ay hindi naging normal. Nanginginig ang kamay ko na naibaba sa kandungan ko habang tulalang napaluha. Ayokong maniwala, pero bakit naapektuhan ako? Bakit ang sakit? Lahat ba talaga ng pinakita niya ay hindi totoo? Napapikit ako at napahagulgol ng maalala na nahalikan at nahipuan na niya ako pero ako itong tanga na hinayaan siya dahil sa nararamdaman sa kanya. "Lincoln, paano na? Bakit kasi ngayon ka lang umamin? Bakit?" Napapukpok ako sa dibdib ko at muling humagulgol na mapagtanto ko ang lahat ng sinabi ko. It's too late because I know I like him. I love Greyson Martin Esteban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD