KABANATA 19

3620 Words
Iyak ako ng iyak sa buong gabi at hindi ko mapigilan. Sumasakit ang puso ko tuwing rumerehistro sa isip ko ang maaaring ginawa ni Greyson at Yen sa hotel. Alangan naman kasi mag-golf sila sa hotel. Hindi sila maglalaro para pumunta do'n, siguro ay naglalaro ng apoy, p'wede pa. Pinalis ko ang luha ko sa mga mata ko at nagkumot ako bago tumagilid ng higa para makaharap sa pader at talikuran ang pinto. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nandito na siya at rinig ko ang bawat yapak niya na nagbigay sa akin ng kilabot habang nagtutulog-tulugan ako. Lumundo ang kama at maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghiga niya. Gumalaw siya at hindi ko alam ang ginagawa niya. Pero maya-maya lang ay naramdaman ko ang pag-usog niya palapit sa akin. Kinalibutan ako ng hawakan niya ang braso ko at haplos-haplusin. Gusto kong bumangon at sa sofa na lang matulog pero ayokong makausap siya dahil ayokong malaman niyang gising ako. Marahan ang haplos ng kamay niya sa braso ko at bumaba naman ang kamay niya sa tagiliran ko, baywang, at pinisil-pisil na nagbigay sa akin ng elektrisidad. Hindi na ako nakatiis kaya hinawi ko ang kamay niya at umusog ako palayo habang nakatalikod pa rin sa kanya. Pero dahil makulit siya ay yumakap siya sa akin at hinalikan ang leeg ko kaya hinawi ko muli siya. Nakakainis! Aalis siya at makikipagkita sa babae niya tapos ngayon ay lalandiin niya ako. Pumalag ako ng yakapin niya muli ako kaya halos nakadapa ako kakapalag sa kanya. Dumagan siya sa likod ko at doon ko nalaman na nakahubad pala siya. "Ano ba!" Pinagparte niya ang binti ko habang nakadagan siya sa likod ko at naramdaman ko ang pagkalalake niya na pilit na pinapasok sa akin. "Damn, na-miss agad kita." bulong niya at napakapit na lang ako sa unan ng pasukin niya ako bigla mula sa likod. Pinilit kong hawiin siya sa likod ko pero humawak siya sa balakang ko at gumalaw na siyang kinapikit ko na lang ng mata. Dumagan muli ang katawan niya sa akin at hinalikan ang pisngi ko habang gumagalaw siya sa likod ko. "I miss you, baby." bulong niya at buong diin na gumalaw sa likod ko. Hinalikan niya ang leeg ko at naramdaman ko ang dila niya doon kaya nakikiliti ako habang pigil na pigil ko ang ungol ko upang 'wag siyang masiyahan dahil napapaligaya niya ako. Napakamanyak talaga ng demonyong ito! At nangangamba ako ng mahawa ako ng sakit na nakukuha niya sa ibang babae tapos ipapasa akin. Huminto siya at niyakap ako habang nagpapahinga ang hininga niya sa leeg ko. "Bakit mainit ang ulo ng baby ko, ha? Akala ko ay babalikan kitang malambing pero tila may iniisip ka na naman d'yan na kinainit ng ulo mo." bulong niya. Ewan ko sa 'yo! Isinatinig ko lang ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dahil ayokong lumabas sa bibig ko ang hindi ko dapat masabi. Hinayaan kong pagsawaan niya ako at kapag nakatulog siya ay doon ako gagawa ng tyempo para makatakas. Hindi ko na kaya. Para na akong masisiraan ng ulo sa pinaggagawa niya. Hindi niya man lang ako inaalala na nagseselos ako sa nakita ko sa balita. Tapos isang tagong babae lang niya ako sa mata ng iba. Dumilat ako at dibdib niya agad ang sumalubong sa akin habang nakatagilid ako ng higa paharap sa kanya habang nakayakap siya sa akin. Nakatulog na siya matapos akong parausan. Gusto kong maiyak kapag iyon ang naiisip ko na tingin niya sa akin. Napatitig ako sa dibdib niya dahil sa bagong tattoo na nakaukit sa dibdib niya. Initial na letter lang iyon. JEPE. JEPE? Ano 'yun? Tumingala ako at napatitig sa mukha niyang payapang natutulog. Napakaamo ng mukha niya kapag natutulog. Ang gwapo ng mukha. Tapos ang buhok niya ay tumatakip sa noo at kaunting kilay niya na bumabagay sa kanya dahil bagsak iyon. Para siyang version ni Daddy Gab na may konting halo sa itsura ni Mom Maqi. Kaya sobrang ganda ng features niya na may pagka-badboy look. Umiling ako dahil imbes na gumawa ng paraan para makaalis ay tinitigan ko pa siya. Siguro ay gano'n talaga. Nakakaakit ang mukha niya kaya sino man ay hindi mapipigilan na mapatitig sa mukha niya. Marahan kong hinawakan ang braso niya para alisin sa baywang ko pero mas lalo lang humigpit ang pulupot niya habang mas nilapit pa ako sa kanya. Napatingin ako sa mukha niya pero tulog pa rin. Sinubukan ko ang binti niya ang alisin at mas mabigat iyon dahil mahahaba. Kulang na lang mapipi ako kapag nasa bisig niya sa sobrang tangkad niya. Nang magawa kong maalis ay nakahinga ako ng maluwag. Humugot muna ako ng hangin pa at 'yung braso naman niya ang hinawakan ko. Maingat na maingat at ayokong magising siya dahil tiyak na sira ang plano kong pagtakas ngayong gabi. Nang maalis ko ay nakahinga ako ng maluwag. Tinignan ko pa muna siya at kinaway ko ang kamay ko sa mukha niya para makasigurong tulog siya at sa nakikita ko ay malalim ang hininga niya ay tiyak na tulog na tulog siya. Dahan-dahan akong bumangon mula sa kama at wala na akong pakialam sa kahubadan ko basta makabangon lang. Nakatingkayad pa ako na lumakad habang patungo sa kabilang side ng kama kung saan ang side niya. Nakabagsak ang pantalon niya sa sahig kaya pinulot ko iyon at kinapa ang bulsa. Swerte at nakita ko ang susi ng closet at maging ang wallet niya sa bulsa. Pagbukas ko ng wallet ay natigilan ako, hindi dahil sa dami ng credit card niya at libong pera niya kundi dahil sa litrato ko. Umungot siya kaya tinigilan ko na ang pagtingin sa wallet niya at kumuha ng pera. Ngayon lang ako dudukot ng pera dahil kailangan ko ito. Paano ako makakaalis kung wala akong pera? Baka kulang ang ipon ko kung sakali na lalayo ako. Saka hindi naman niya malalaman na nawalan siya ng pera dahil halang din siya at kung saan-saan ko nga nakikita ang pera niya na nakahalang. Sabagay, kahit magsayang siya ng pera ay bilyonaryo naman sila. Oo, alam kong bilyonaryo ang tawag sa yaman ng pamilya nila. Dahil sa dami ng business nila ay hindi sila nawawalan ng pera. Rinig ko ay bilyon ang pumapasok sa bank account nila sa isang business palang nila iyon. Kaya hindi nakakapagtaka na sobra ang yaman nila na siyang nakakaliit ng tingin sa kagaya ko. Hindi naman ako nababagay sa kanya, kahit teacher pa ang natapos ko. Kumpara kay Yen na anak ng isang businessman. Huminga ako ng malalim at pinalis ko sa isip ko iyon. Nang makuha ko ang pakay ko sa wallet niya ay binalik ko na muli sa bulsa ng pantalon niya ang wallet. Dumeretso na agad ako sa closet at binuksa ang lock. Kumuha ako ng isusuot kong damit at kumuha ako ng bag para masilid ang mga damit ko. Nang makakuha ng sapat na damit na dadalhin ko ay binitbit ko na ang bag. Maingat muli akong lumabas at napatingin ako sa kanya na gano'n pa rin ang ayos kaya napangiti ako at maingat na humakbang palabas ng kwarto. Rinig na rinig ko ang kalabog ng dibdib ko sa takot na baka mahuli niyang tumatakas. Ayokong isipin kung paano siya magalit dahil tiyak na hindi ko magugustuhan at baka maging dahilan lang iyon para mataranta ako at makalikha ng ingay. Nakalabas na ako ng penthouse at tinignan ko muna ang paligid. Walang sign na narito ang bodyguard niya. Kapag kasi nasa paligid ko si Greyson ay wala ang bodyguard niya, pero kapag wala siya ay asahan ko ang mga matang nakamasid sa akin at nakasunod. Mabilis ang ginawa kong lakad at tumingin sa paligid para humanap ng masasakyan. May nakita akong bus at hihinto iyon sa sakayan ng mga tao sa waiting shed kaya nagmadali ako sa paglakad patungo doon. Hiningal pa ako ng makalapit doon at sakto naman na huminto na rin ang bus. Sumakay agad ako at nakahinga ako ng maluwag ng makaupo ako. Naisip ko kung saan ako pupunta? Naisip ko rin ang sinabi ni Mom Maqi kapag kailangan ko ng tulong niya ay tawagan lang siya. Pero ayoko na siyang madamay at baka magkagalit pa silang mag-ina dahil sa akin, kaya 'wag na lang. Dapat siguro ay sa malayong probinsya ako magtungo para hindi niya malaman. Siguro naman ay mahihirapan siyang hanapin ako doon. Kinuha ko ang cellphone na bigay niya at nag-search ng maaaring lugar na p'wedeng mapuntahan. Bigla ay napaidtad pa ako ng biglang mag-ring ang phone ko. Kumabog ang dibdib ko ng makita ang pangalan ni Greyson na siyang rumehistro kaya agad kong pinatay ang phone ko sa takot. Gising na siya at natakot ako dahil hindi pa ako nakakalayo. Napahigpit ang hawak ko sa phone at bag na dala ko sa sobrang pangamba. 'Wag naman sana niya ako mahanap. Ayoko na, gusto ko na lamang mapag-isa. "May problema ba, Hija?" Napatingin ako sa matandang babae na siyang katabi ko sa bus. Sa tabi ng bintana siya nakaupo dahil nauna siyang sumakay sa akin. "Wala po." Hindi ko gustong sabihin na may tinatakasan ako kaya parang halos manginig na ako sa kaba. "Saan ka ba patungo?" Tila nais ng matanda ng may makausap kaya siya tanong ng tanong kahit hindi naman niya ako kilala. At pansin ko ay masyado na siyang maedad para bumiyahe. Dapat ay hindi hinahayaan ng kamag-anak nito na bumiyahe siyang mag-isa. "Hindi ko po alam." Kung sana ay may kamag-anak ako, baka sakaling may alam akong pupuntahan. Pero hindi ko naman alam kung sino ba ang kamag-anakan nila Papa dahil hindi naman kami napupunta sa probinsya para may mapuntahang kamag-anak. "Bakit hindi mo alam? Naglayas ka ba?" Umiling ako at parang nais kong sabihin rito ang problema ko baka sakaling matulungan niya ako. "Hindi po, gusto ko lang pong makalayo." Ang nanginginig niyang kamay ay biglang humawak sa aking kamay kaya nagtaka ako. Hinawakan niya ang palad ko at pumikit siya na kinataka ko. "Maswerte kang babae dahil napapalibutan ka ng pera sa buhay mo." Anong bang ginagawa niya? Nanghuhula? Teka, alam ata nito na marami akong baong pera ni Greyson. "T-teka po--" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil humigpit ang hawak niya sa kamay ko tila may nakikita siyang hindi maganda. Dumilat siya at tinignan ako, kaya naguluhan ako sa tingin niyang tila ba may kagimbal-gimbal siyang nakikita sa akin. "Tila nakasungkit ka ng prutas na ginto, Hija." aniya. "Ho?" Ano bang sinasabi niya? Prutas na ginto? Meron ba no'n? "Sa nakikita ko sa kapalaran mo ay lahat ay swerte. At nababalutan ng bisig ng isang lalake na ayaw kang pakawalan ang kapalaran mo." Napalunok naman ako sa sinabi niya. Tila totoong manghuhula ito, nahuluan niya iyon. "Nakasungkit ka ng gintong prutas ngunit may lason na siyang kinagatan mo." "Hindi ko po kayo maintindihan.." "Hindi ka niya palalayain, Hija. At sa sitwasyon mo ay nakita ko ang umusbong na supling sa sinapupunan mo na siyang lason na nagmula sa kanya." Gulat na gulat ako sa pinagsasabi niya. Supling? Baby? Napahawak ako sa tiyan ko at biglang natakot. Totoo ba ang sinabi niya? Buntis ako? Huh? Pero parang wala namang sign na buntis ako? "Nagbibiro lang kayo, Lola. Hindi naman po ako buntis." Tumawa pa ako pero napatigil ako ng makita na seryoso lang si Lola. "Mag-iingat ka, Hija. Hindi basta-basta ang lalakeng humahawak sa 'yo sa leeg." Matapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya at nakiraan kaya pinaraan ko siya habang ako ay natutulala. Nanlalamig ako at hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa hula ng matanda. Pero wala siyang hininging pera upang maging modus lang niya. May biglang umalingawngaw na putok ng baril kaya lahat ng pasahero ay napatili at nagulat, maging ako man. Napahinto ang bus na sinasakyan ko kaya nag-ingay ang mga kapwa ko pasahero. May nag-akyatang mga pamilyar na lalake at kinabahan ako dahil parang ito 'yung mga bodyguard na kinuha ni Greyson para bantayan ako. Hindi ako mapakali sa upuan at wala akong ibang p'wedeng madaan kundi ang pintong pinasukan lang nila, kaya tiyak na makikita nila ako. Yumuko ako at napakapit sa bag ko habang pilit na tinatakpan ng buhok ko ang mukha ko. Naramdaman ko ang paghinto ng mga ito sa gilid ko kaya mas kinabahan ako. "Miss, bumaba na kayo. Master GM is waiting for you." Napapikit ako ng mariin dahil nakilala nila ako. Kabadong-kabado ako at nanginginig ang tuhod ko na tumayo. Agad nila akong pinaraan at sumunod sila sa akin. Nakita ko pa ang pag-abot ng pera ng isang bodyguard sa driver ng bus. Takot na takot ako ngayon lalo na ng makababa ako. Sa likod ng bus ay nakita ko ang kotseng itim habang may dalawang kotse pa sa likod nito. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko ng bumukas ang pinto sa backseat ng kotseng nakaparada sa unahan. Napatigil ako sa paghakbang ng makita si Greyson na nagdidilim ang mukha at gumagalaw ang panga habang nakatingin sa akin ang mga mata niyang nanlilisik. "Get in." malamig ang boses niya na siyang nagpakaba pa lalo sa akin. Ayoko man na humakbang palapit sa kanya pero nasa likod ko ang mga bodyguard niya. Nang makasakay ako ay sumunod siya kaya halos pigil na pigil ang hininga ko. Napatingin ako sa baril na hawak niya na inalisan ng kasa bago niya isuksok sa baywang ng pantalon niya. "Tatakas ka pa, ha? Akala mo madali na magawa iyon." Umusog siya palapit pa sa akin at naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa likod ko bago ipulupot ang braso sa baywang ko na kinaidtad ko. Inangat niya ang ulo ko sa pamamagitan ng paghawak niya sa baba ko at pinatingin ako sa mata niya na hindi ko kayang tignan dahil nakakangamba ang linsik ng mga mata niya. "Hindi mo ako matatakasan dahil sinisiguro ko na agad kitang makikita. 'Wag mong hintayin na iposas na lang kita sa akin para hindi ka makalayo. Gagawin ko iyon, kaya 'wag mong subukan na umulit. 'Wag na 'wag." Banta niya. Nangilid na ang luha ko sa takot lalo pa sa sinabi niya. Tumingin siya sa luha ko at hinaplos ang panga ko bago niya ibaba ang labi niya upang sakupin ang labi ko ng halik. Saglit lang iyon at binitawan niya rin ng labi ko. Sakto naman na huminto na ang kotse. Binitawan niya ako at nauna siyang bumaba.. Pinasok niya ang kalahati ng katawan niya sa kotse at inabot ang kamay ko bago ako hilahin palabas. Hila-hila niya ako papasok ng penthouse niya. Napapikit ako ng itulak niya ako sa kama ng makarating kami sa kwarto. Napahagulgol ako at umusog ng higa sa kama bago kunin ang kumot. Nag-alis siya ng saplot at iniwan lang ang boxer short niya bago tumabi sa akin. Tumalikod ako sa kanya at napahigpit ang hawak ko sa kumot ng yumakap siya sa akin. Ramdam ko ang galit niya sa panginginig ng kalamnan niya ngunit tila pinipigilan niya. Hindi ako makapalag sa paghaplos niya sa dibdib ko habang sinubsob niya ang mukha sa leeg ko. "I'm mad, baby. At kapag nagagalit ako ay sobra, pero ngayon ay mapipigilan ko pa dahil unang beses palang na natakasan mo ako. But if you do that again, you will taste my punishment again." Bumaba ang haplos ng kamay niya sa tiyan ko kaya kinilabutan ako lalo na ng maalala ko ang sinabi ng lola na buntis na ako. "Palagi kitang pinupunlaan pero hindi ata nagbunga." bulong niya kaya napalunok ako. Gumapang ang kamay niya sa hita ko at napahawak ako sa kamay niya ng hawiin niya pataas ang skirt na suot ko. Napaidtad ako ng gumapang ang kamay niya papasok sa loob ng panty ko at pinaglaruan ang p********e ko. Napapaidtad na lang ako habang pilit kong inaalis ang kamay niya. Tapos naramdaman ko rin ang umbok niya na dumidikit sa pang-upo ko. "Araw-araw kitang pupunlaan para naman mabuntis ka at para mas lalo akong magkaroon ng dahilan na markahan ka. At para wala ka na ring dahilan pa para makaalis sa akin." Hinatak niya ang panty ko pababa at naramdaman ko ang pagkalalake nyya na ramdam kong inalis niya sa loob boxer niya, bago itutok sa entrance ko. Napatakip ako ng bibig at napaidtad ng angkinin na naman niya ako. "s**t!" mura niya at muling hinawakan ang dibdib ko para pisilin habang marahan siyang dumidiin sa likod ko. "Please, a-ayoko na.." "But I want you.." bulong niya at hindi na niya ako pinakinggan kahit anong sabihin ko. Inangkin niya muli ako at wala akong magawa kundi bumigay na naman. Talagang pinarusahan niya ako sa hindi niya pagtigil na galawin ako kahit pagod na pagod na ako. "Wear this. I need to go to business industry event and I want you to come with me." Nakabihis sya ng business suit nya at may nilapag sa kama na isang mamahaling dress na kulay red at may kahabaan ang manggas pero backless at hanggang tuhod ang haba ng saya na may pagkahugis rosas ang gilid nito. Nakaupo ako sa edge ng kama habang nakatingin sa dress. Ginising niya ako para sabihin na papasok siya sa company at gusto niyang igayak ko ang isusuot niya. "Ayokong sumama." Sabi ko. Napatingin ako sa kanya ng yumuko at pinatong ang mga kamay sa gilid ko, sa kinauupuan kong kama. Magkatapat ang mukha namin at nakatitig siya sa akin ng malalim. "I want you to come with me. You are my wife and I want everyone to know that you are my wife." Bigla ay hindi ko napigilan na sumaya sa sinabi niya. Ipapakilala niya ako sa lahat bilang asawa niya? "A-ano?" Ngumiti siya at kinantilan ako ng halik sa labi bago siya tumayo ng tuwid, kaya tiningala ko siya. "I called your make-up artist and they will come here about four o'clock. Kaya matulog ka na lang at 'wag kang lalabas ng penthouse hanggang hindi ako dumadating, naiintindihan mo?" Tumango ako sa sinabi niya kaya tumingin siya sa pamisig niyang relo. Napakagwapo niyang tignan sa ayos niya, malayo sa palagi niyang suot na kulay itim. Itim din naman ang business suit na suot niya pero masasabi ko na parang serious badboy businessman ang peg niya. "Okay, I need to go. I call you later, baby." hinila niya ako patayo at napapikit ako ng hapitin niya ako sa baywang at hinalikan muli pero 'yung malalim na parang mawawala ang labi ko sa sobrang pagkakahalik niya. At sobrang sweet ng halik niya. Napahinga ako ng malalim ng bitawan niya ang labi ko. Hinalikan niya ako sa noo bago umalis sa harap ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Paiba iba ang mood niya. Akala ko ay sasaktan niya ako sa pagtakas ko, pero nagpigil siya. Napatingin ako sa dress na maganda na pinapasuot niya sa akin. Siya kaya ang pumipili ng dress? Kasi balot na balot na naman ako, pero kita naman tiyak ang likod ko nito. Saka parang nakakakurba ng katawan ang style ng dress. Bawat lakad na pupuntahan namin ay palagi niya akong binibilhan kahit marami ng nakatambak sa closet. Para na ngang botique ng dress ang closet sa dami. Meron ring high heels, sandals, flat shoes, at black shoes na iba't-ibang design na binili niya para sa akin. Hindi ko mapigilan na mapangiti habang hinahaplos ang dress. Ipapakilala nyya ako sa ibang tao. Ibig sabihin ay malalaman nila na asawa ako ni Greyson. Nawala 'yung tampo ko dahil akala ko ay itatago niya lang ako para maging babae niya, pero ng sabihin niya na gusto niya akong ipakilala sa iba ay nakaramdam ako ng saya. Napatingin ako sa phone ko ng biglang mag-beep ito. Tumayo ako at nilapitan ito na nakapatong sa side table. Si Greyson ang nag-text dahil 'husband' ang nakarehistrong pangalan na nagpadala sa akin ng text. Siya ang naglagay ng 'husband' sa contact list ko bilang pangalan niya, kaya 'yan ang lumabas. Binuksan ko ang text niya at hindi ko mapigilan na mapangiti sa kaalaman na nag-text agad siya, e, kakaalis palang naman niya ng bahay. Husband: I love you. Parang huminto ang lahat sa akin at kinusot ko pa ang mata ko dahil baka namamalikmata lang ako. Pero hindi, iyon ang text niya sa akin. Ang bilis ng t***k ng puso ko at parang nanginginig ang kamay ko na hawak ang phone. Napatingin ako muli sa cellphone ng mag-text siya muli. At hindi ko mapigilan na lumaki ang ngiti ko. Husband: I said I love you. Kahit gano'n ang text niya ay ramdam ko ang pagka-demanding tila kailangan kong replyan agad ng sagot ang text niya. Parang pinamulahan ako ng pisngi at nahihiya akong sumagot. Napahiga ako sa kama at kinuha ko ang unan bago itakip sa mukha ko at nagtitili ako. Pakiramdam ako ay para ako isang teenager na nginitian ng crush sa school. Biglang nag-ring ang phone ko kaya inalis ko ang unan sa mukha ko at tinignan ang tumatawag. Napalunok ako at humugot ng maraming hangin para pakalmahin ang sarili ko. Sinagot ko ang tawag ni Greyson na siyang tumatawag sa akin. "H-hello?" "Tsk. Bakit hindi mo agad sinagot ang tawag ko, ha? And even my text? Are you cheating on me?" Napairap ako dahil 'yan na naman siya, pero dahil pinasaya niya ako ay hahayaan ko muna ang pagkaseloso niya. "Hindi, binabasa ko pa kasi ang text mo." Natahimik siya kaya napakagat ako ng labi habang hindi ko mapigilan na mapangiti. "So, where's my I love you?" "A-ano? Kailangan bang sagutin iyon kahit hindi naman tanong iyon?" "Tsk." Napangiti ako dahil tila nainis siya sa pang-aasar ko. "I love you, too." bulong ko. "WHAT?" "Wala, ang bingi mo kaya bahala ka!" Binaba ko na ang tawag at napangiti ako dahil ang sarap rin pala niyang asarin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD