(ALICE POV) "Yes po, I have what it takes to become a model!" maayos kong sagot sa kanya. "Again, can you make it louder at mas maganda kung uulitin mo ng tagalog!" Ang dami n'ya pang arte! Pero sumunod na lang din ako sa gusto n'yang mangyari. "Yes po, naniniwala ako na may potential ako na maging isang model!" sabi ko pa. Sa likod ni Emmy, nakita ko itong si Paolo na nakangiti at kumaway pa. Lumakas tuloy ang loob ko sa kanya. "Very good girl! That is what you are supposed to say so now, back to work na tayo ha! So ang tanong, siguro naman ay nakita mo yung mga naka bikini noong nakaraang araw, am I right?" "Yes po," sagot ko sa kanya. "So now, wala itong malisya pero I want you to be like that right now. Trust me, ganyan din ang gagawin mo doon kase minsan o madalas, kung

